Kamay in Inday | Bandera

Kamay in Inday

Lito Bautista - June 30, 2017 - 12:10 AM

SUMIKLAB ang galit. Nag-aaway ang magkakapatid. Masalimuot at makipot ang daan tungo sa kabanalan. Maluwag tungo sa kapariwaraan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo (Gen 13:2, 5-18; Slm 15; Mt 7:6, 12-14) sa ika-12 linggo sa karaniwang panahon.

Ang Islam ay kapayapaan, pagsunod. Ang Islam ay kontra Maute, Abu Sayyaf, ISIS o extremism. Nagkulang ang mga magulang sa pagturo sa kanilang mga anak hinggil sa tamang pagkatao ng Muslim. Sa Islam, dapat tratuhin ang kapwa nang may dignidad at kabutihan, ani Sheikh Khidir Maraya Abdullahi, tanyag na imam at guro. Ang ginagawa ng ISIS ay kontra Islam at iba pang relihiyon.

Walang katahimikan sa Marawi, maliban na lang kung pantay na ang lupa, mosque, mga gusali’t bahay. Lumatag ang katahimikan sa Sodom at Gomora nang pantay na ang matayog at lupa. Kung maging pantay na ang Marawi, ang gulo ay lilipat lang. Ang panliligalig? Sasabog sa Visayas at Luzon; kung di natin lalabanan ang kadiliman.

Ngayong nakita na ng IS sa Middle East ang nangyari sa Mindanao, walang nakatitiyak na huhupa na ang gulo kapag “tumahimik” na ang mga buhay sa Marawi. Lilipat lamang ang gulo sa ibang lalawigan o lungsod dahil nakakalat na ang dayuhang mga terorista na sinanay sa paghahasik ng lagim sa disyerto, bundok ng Afghanistan at Pakistan.

Sisihin si Noynoy Aquino sa paglakas ng ISIS sa Mindanao. Tatlong taon na ang nakalilipas nang itaas ng grupong Maute ang bandila ng ISIS sa Butig, Lanao del Sur, na ikinalat saFB. Pero, si Aquino mismo ang “complete denial” na may ISIS na at nagtatayo ng watawat.

Dahil sa mistulang pagtatakip ni Aquino, oportunidad ito para sa Maute para magkuta, magbodega ng mga armas at bala at mag-recruit ng kabataan. Sa loob ng tatlong taon, mahahabang tunnel na ang magagawa, na mag-uugnay sa moog at moog ng mga terorista sa Marawi.

Masisisi ba ang intel ng AFP units kung magiging tatlong unggoy (see no evil, hear no evil, speak no evil) sila sa hayag na mga kaganapan sa Mindanao? Sa panahon ng ikatlong Aquino, ipinagbawal sa mga opisyal ng militar ang magsalita sa media dahil ang tingin ni Aquino sa sarili ay mas matalino siya kesa mga sumabak sa gera. Nagsimula ito nang insultuhin ni Aquino ang isang opisyal sa Tacloban at pagsabihang “…buhay ka pa.”

Maraming sagabal sa mga hakbang ni Digong para patayin ang mga manliligalig, ang mga terorista. Kapag napikon si Digong, tatahimik ang mga sagabal, pati na ang mga mahistradong iniluklok ni Aquino. Kapag wala nang masulingan sa kanto ng pader, ang tanging hakbang ay revolutionary government. Tahimik na ang lahat, pati ang matatabil na mga mambabatas.

May Mindanaoans na katig sa revolutionary government kung ito na ang huling baraha sa kabubuyo ng mga batang Aquino at Roxas. Isang texter sa Davao City ang nagsabi na payag silang (lungsod) mamuno ng sensitibong puwesto si Inday Sara para madisiplina ang mga bastos. Para sa kanila, kamay na bakal na ang kailangan.

Gumaralgal ang aking salita at tumulo ang luha habang kausap ko ang anak ni Ed Paez, ang namamahinga sa loob ng magarang kabaong. Si Ed ay sports writer ko sa Bagong Araw; napakabait, ni minsan ay di nagmura, parating may ngiti sa ilalim ng itim na bigote. Nasa kasaysayan na ang pangalang Ed Paez, ang taun-taon na tagapagtaguyod ng paggunita sa Death March sa pamamagitan ng marathon running.

PANALANGIN: Sa ngalan mo Jesus, iginagapos ko ang lahat ng puwersa ng diyablo. Fr. Mar Ladra, healing priest, Diocese of Malolos.

MULA sa bayan (0916-5401958; [email protected]): Noong 2015, 3 kabataan ang sinanay na makakita ng pamumugot ng mga bandido. Hanggang sa sanay na sila sa pamumugot. TJ, Barangay Tulay, Jolo …7760

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat lang tanggapin ang tulong ng ibang bansa to fight terrorism. Laban ito sa lahat ng bansa maliban sa ISIS. Salot sila sa lipunan. Government troops must be rotated. Exhausted na sila. Aerial support must be in place to minimize losses of soldiers. Tama ang ginawa mo Mr. President. Yung ang alam ay bumatikos lang, sige, kayo mag-negotiate sa terrorists. Magaling lang kayo sa daldal. Salamat. Leam Malik …8898

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending