Medical repatriation ng OFW, mas pinaigting | Bandera

Medical repatriation ng OFW, mas pinaigting

Liza Soriano - June 30, 2017 - 12:10 AM

MAKATITIYAK na ng mas maayos at epektibong pamamaraan para sa medical repatriation ng overseas Filipino worker (OFW).

Ito ay makaraang lagdaan ng mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang labor department, ang Joint Memorandum Circular (JMC).

Isa itong  tagumpay para mabigyan ang mga manggagawa, partikular ang OFW ng “full-seven cycle migration assistance.”

Mas pinalakas ng “joint circular” ang sama-samang pagpupunyagi ng mga kagawaran na mapangalagaan ang karapatan at maitaguyod ang kagalingan at interes ng mga overseas Filipino, kabilang ang mga migranteng manggagawa.

Bukod sa DOLE, ang iba pang ahensya ng pamahalaan na kasama sa joint memorandum circular ay ang Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government, Manila International Airport Authority, at ang Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang layunin ng JMC ay magtatag ng integrated system at process flow para sa medical repatriation ng mga kinauukulang ahensiya at samahan upang matiyak ang wasto, napapanahon at maayos na pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga overseas Filipino, dokumentado man sila o hindi.

Sa pamamagitan nito, maitutugma ang mga polisiya, proseso at pamamaraan, pagtatakda ng  mga tungkulin at responsibilidad sa medical repatriation, at pagtatatag ng standard reporting and monitoring system.

Sa ilalim ng JMC, ang DOLE, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at iba pang katuwang na ahensiya, ang mangangasiwa sa koordinasyon at pagsasaayos ng medical repatriation.

Kabilang sa mga gawain ang pakikipag-ugnayan sa pamilya o kamag-anak tungkol sa kondisyong-medikal; pagkuha ng medical clearance o certificate of fitness to travel; medical report; at logistic arrangement, kasama ang pagbibigay ng transport assistance mula sa host country pauwi ng Pilipinas.

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending