Misis ng mayor takot sa manibela | Bandera

Misis ng mayor takot sa manibela

Den Macaranas - June 28, 2017 - 12:10 AM

HANGGANG ngayon pala ay hindi na muling humawak ng manibela ang misis ng isang sikat na mayor sa ating bansa.

Mula kasi noong nakasagasa at nakapatay siya ng isang pedestrian ilang taon na ang nakalilipas ay hindi na muling nagmaneho si Madam.

Sinabi ng ating Cricket na matinding trauma ang inabot ni Madam dahil kitang-kita niya kung paano namatay ang biktima.

Naganap ang insi-dente maraming taon na rin ang nakalilipas.

Hindi pa mayor noon ang kanyang mister pero kilala ito bilang isang korap na government official.

Dahil sa tumanggap ang kanyang mister noon ng malaking commission sa isang project ng pamahalaan ay kaagad siyang bumili ng isang Sports Utility Vehicle (SUV).

Bagong-bago pa noon ang nasabing sasakyan nang gamitin ni misis papunta sa isang sosyalan sa isang lungsod sa Metro Manila.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng kontrol sa manibela si Madam na siyang dahilan kung ba-kit siya nakasagasa at nakapatay ng isang pedestrian.

Dead on the spot ang biktima kung saan ay mabilis namang gumawa ng paraan ang kanyang mister na government official.

Kaagad nilang ina-
reglo sa malaking halaga ang pamilya ng biktima kaya naman wala nang naganap na demandahan noong mga panahong
iyon.

Ngayong mayor na si sir at first lady naman ng isang kilalang lungsod sa Metro Manila ay hindi pa sila nakaka-move on sa pangyayari.

Yun ang dahilan kaya’t hanggang ngayon ay hindi na muling humawak pa ng manibela si Madam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang misis na patuloy na ginugulo ng alaala ng malagim na aksidente na kanyang minsang kinasangkutan ay si Misis E…..as in Endo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending