Awra patuloy na sinuswerte, lilipat na sa napanalunang house & lot
SA maikling panahon ng Kapamilya child star na si McNeal “Awra” Briguela sa mundo ng showbiz ay marami na siyang naipundar na ari-arian.
Masasabing isa si Awra sa mga masuswerteng bata na nabigyan ng pagkakataon para mapabuti ang kanyang buhay pati na rin ng kanyang pamilya. Ito’y nagsimula nga lang sa mga nakakalokang “Awrahan” viral video niya sa social media.
Dahil sa kanyang nga nakakatuwang video kung saan ginagaya niya ang mga classic scenes sa mga sikat na Pinoy movies, biglang sikat siya sa madlang pipol na naging daan naman para mapansin siya ng Ang Probinsyano staff pati na ng Teleserye King na si Coco Martin.
Nang-agaw agad ng eksena si Awra sa Probinsyano at naging champion din sa talent search ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Kids. Dito nga siya nanalo ng medalya, tropeo, P1 milyon, house and lot, at trip (for four) sa Jeju Island sa South Korea.
Kamakailan, nai-turn over na kay Awra ang napanalunan niyang house and lot sa isang exclusive subdivision kaya naman tuwang-tuwa ang batang comedian at ang kanyang pamilya dahil may sarili na silang bahay ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.