Shy Carlos ayaw pang magkadyowa; umaming super type si Joshua Garcia | Bandera

Shy Carlos ayaw pang magkadyowa; umaming super type si Joshua Garcia

Djan Magbanua |June 25,2017
facebook
share this

Shy Carlos ayaw pang magkadyowa; umaming super type si Joshua Garcia

Djan Magbanua - June 25, 2017 - 12:05 AM


PASADUNG-PASADO sa amin ang pagganap ni Shy Carlos bilang babaeng nasapian sa bagong suspense-horror film na “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” mula sa Kamimaze  Films directed by Katski Flores.

Sa latest episode ng inyong Wednesday habit, ang “#ShowbizLive” (hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla, every Wednesday, 8 p.m. sa Radyo Inquirer 990 Television, Inquirer Facebook at Bandera Facebook) bumisita si Shy para magkwento tungkol sa kanyang experience habang ginagawa nila ang nasabing pelikula.

Napanood na namin ito at talagang sobrang nakakatakot ang akting ni Shy bilang si Leah na sinapian ng masamang espiritu. Yung mala-anghel niyang ngiti ngunit pailalim na tingin ay sapat na para matakot ka. Kaya nga mas magandang kung tropa kayong manonood nito o kasama ang dyowa mo para mas enjoy manoood.

Kaya nga mas magandang kung tropa kayong manonood nito o kasama ang dyowa mo para mas enjoy manoood.

Natanong ng mga host ng “#Showbiz Live” kung paano siya nag-prepare sa kanyang role at paano naiba ang kanilang horror movie sa mga napanood na nating katatakutang pelikula.

“Nasakto lang yung bigay sa akin. Actually second horror film ko na to. Yung first ako yung tinatakot, sa ‘Chain Mail.’ Dito sa ‘Pagsanib Kay Leah’, ako ang mananakot kaya medyo nahirapan ako. Kinailangan kong manood ng horror movies, like yung The Ring,” panimula ni Shy.

Nagkaroon din sila ng two-day workshop sa kanilang direktor na malaki ang naitulong sa mga highlights ng pelikula.

Ano ang feeling na maraming pumupuri sa akting niya at sa ganda ng movie? “Masaya, siyempre. Kasi yun naman talaga ang goal lagi, na magustuhan ng mga manonood yung movie or project na ginagawa mo.”

Naitanong din sa dalaga kung may mga kakaiba silang na-experience while shooting the movie, lalo pa’t buhay na buhay pa rin sa alaala ng mga Pinoy ang nangyari noon sa yumaong aktres na si Julie Vega. Isa raw kasi sa naging dahilan ng pagkamatay ni Julie ay ang pagsanib sa kanya ng masamang espiritu nang gumanap din siya bilang biktima ng sanib.

Ayon kay Shy, although hindi niya mismong nasaksihan, parang may something daw sa lumang simbahan na pinagsyutingan nila.

“Yung church, sabi nila may something. Wala kaming naramdaman pero yung AP (associate producer) namin may naramdaman. Sa standby area daw namin. Basta may na feel siya na parang may babaeng nakatayo, pero wala naman pala.”

Nagkuwento din si Shy tungkol sa co-star niya sa movie na si Sarah Lahbati, na gumanap bilang pulis na tumulong sa pag-solve ng kaso ni Leah.

“Magaling siyang artista kasi nga du’n sa workshop namin nakita ko na ‘yun. Masasabi ko na talagang sobrang bait at sobrang funny niya, ayaw niya ng serious. Gorgeous-gorgeous lang pero, di mo alam bumubulong na ng something funny,” kuwento ni Shy.

Ano yung pinaka-challenging na ipinagawa sa kanya ni direk Katski sa movie? Sabi ni Shy, ‘yung pagtalon daw niya sa second floor ng isang building na siya mismo ang gumawa kahit binigyan siya ng ka-double.

“Yung paggawa ng stunts, may double ako pero ako pa rin yung gumawa. Yung pagtalon ko sa balcony kasi medyo halata raw sa camera, so sabi ko sige na nga. May double, ginawa niya once pero sa akin na rin pinagawa nu’ng next take. Medyo mataas siya second floor, may mga boxes lang na sasalo sa akin tapos foam.”

Walang time ngayon si Shy sa matters of the heart. Sa ngayon, single (by choice) pa rin siya. Sey ng dalaga mas gusto niya munang mag-focus sa kanyang career kaysa unahin ang mga boys lalo na’t karamihan sa mga friends niya na nagdyodyowa ay nakikipaghiwalay din.

“Noong una ayaw ng mama ko, pero nasanay na ko. Choice ko rin na wala muna. I mean kasi nakikita ko kasi sa friends ko na nagkaka-boyfriend tapos magbi-break din. Saka na lang pag happy na ako sa sarili ko, pag succesfull na ako.”

For now busy si Shy sa promo ng ‘Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” at sa iba pa niyang raket. Byukod kay Sarah Lahbati, kasama rin niya sa film si Julian Trono.

Tinatapos na rin ni Shy ang pelikulang “Fan Boy, Fan Girl” na pagbibidahan naman nina Julian at Ella Cruz.

Samantala, tumatak din sa televiewers ang episode na pinagbidahan niya sa Ipaglaban Mo kung saan gumanap siyang kasambahay na nabiktima rin ng karahasan. Nagpasalamat si Shy sa lahat ng pumuri sa akting niya roon.

Pero nalaman din namin na hindi pala ipinaalam ng aktres sa kanyang parents na medyo sensitibo ang tema ng ginawa niya sa Ipaglaban Mo.

“Hindi nila alam yun. Ha-hahaha! Hindi kasi…hinahayaan naman nila ako pag sa career ko. Tina-trust naman nila ako na alam ko yung ginagawa ko. Pag sinabi ko naman na gusto kong gawin hindi naman nila ako pipigilan. Confidence lang siguro sa decisions ko.”

Payag na ba siyang magpa-pictorial ng sexy sa mga men’s magazine? “Kasi ako talaga ever since pumasok ako sa showbiz gusto ko lang ma-recognize na isang magaling na actress. So, sa ngayon baka hindi muna.”

Pangarap naman ni Shy na makatrabaho in the future ang Kapamilya young actor na si Joshua Garcia. Bukod daw kasi sa gwapo si Joshua, napakagaling din daw nitong artista.

Showing na sa June 28 ang “Pagsanib Kay Leah Dela Cruz” ng Viva Films. Magkakaroon din sila ng premiere night sa Cebu sa June 26.

Quickie talk with Shy Carlos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Surprise Date or Surprise Gift? Surprise Date
Career or love life? Career
Bobong mapagmahal o matalinong walang pakialam? Bobong mapagmahal. Hindi kasi I mean anong gagawin mo sa walang paki sa ‘yo?
Hard work or talent? Hard work
Selena Gomez or Ariana Grande? Selena Gomez
Bedroom or comfort room? Bedroom
Halik or yakap? Yakap
Kung ulam ka ano ka? Steamed fish
Masaya ako kapag? May pagkain
Gustung-gusto kong mag ___ sa gabi? Magsindi ng kandila sa kwarto, yung scented.
Unang ginagawa paggising? Check ng phone
Idol na idol ko ngayon si ____? Anne Curtis
Male Celeb na gusto mong maka-kissing scene sa serye o pelikula? Joshua Garcia! Ha-hahaha! Lagot!
Artistang gustong makasama sa serye? Joshua Garcia, push ko talaga yan!
Three sexiest men sa local showbiz? Joshua Garcia, Piolo Pascual and John Lloyd Cruz
Yes or No: Same sex marriage? Yes
Divorce? Yes
Premarital sex? Hindi ako sure
Death Penalty? No

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending