Ka-look-alike ni Pia Wurtzbach lalaban sa 2017 Miss Manila | Bandera

Ka-look-alike ni Pia Wurtzbach lalaban sa 2017 Miss Manila

Jun Nardo - June 23, 2017 - 12:40 AM

GLENN KRISHMAN AT PIA WURTZBACH

ISA sa mga agaw-eksena sa ginanap na press presentation ng mga kandidata para sa Miss Manila 2017 ay ang look-alike ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach – si Glenn Aeela Krishnan.

Si Glenn at younger sister ng Far Eastern University courtside reporter at 2016 Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific na si Ganiel Akrisha Krishnan.

Ayon sa dalaga, nais niyang sundan ang mga yapak ng kanyang kapatid bilang beauty queen na nagwaging 2nd runner-up sa Miss Manila last year. At siyempre, isa sa mga inspirasyon niya sa pagtupad sa kanyang pangarap ay ang kamukha niyang si Pia.

Nauna nang nakilala si Glenn sa social media bilang ka-look alike nga ni Pia. Marami nga ang nag-akalang younger sister siya ng beauty queen-actress. Ayon kay Glenn nakilala na niya nang personal si Pia sa isang make-up launch event last year.

“Mahigpit po ang security ni Pia pero pinayagan nila ako na makalapit sa kanya at makapagpakuha ng litrato na kasama niya. Ang akala nila, kapatid ako ni Pia,” kuwento ni Glenn.

Masungkit nga kaya ng dalaga ang korona sa gaganaping grand coronation ng Miss Manila sa June 24, sa PICC Plenary Hall.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending