Showdown sa pagitan ng Kamara at hudikatura nakaamba dahil sa "Ilocos 6" | Bandera

Showdown sa pagitan ng Kamara at hudikatura nakaamba dahil sa “Ilocos 6”

- June 21, 2017 - 04:23 PM

NAKAAMBA ang showdown sa pagitan ng Kamara at hudikatura.

Ito’y matapos ipagtanggol kahapon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang tatlong mahistrado ng Court of Appeals (CA) matapos magpalabas ng show cause order ang isang komite ng Kamara kaugnay ng kautusan ng appelate court na palayain ang anim na nakadetine na empleyado ng Ilocos Norte.

Nagpalabas si  Sereno at appellate court Presiding Justice Andres Reyes Jr. ng isang  joint statement  kung saan umaapela sila liderato ng Kamara na irekonsidera ang banta na i-contempt ang tatlong justice matapos aprubahan ang petisyon ng habeas corpus para sa  “Ilocos Six.”

“Cognizant of its implications on (the) separation of powers and judicial independence, (we) express deep concern over the show cause order issued by the House committee on good government and public accountability,” sabi nina Sereno at Reyes.

Idinagdag nina Sereno at Reyes na dapat ay ibang legal na opsyon ang gawin ng Kamara para kuwestiyunin ang resolusyon na ipinalabas ng CA Special Fourth Division noong Hunyo 9.

“In this light, it is our hope that the House of Representatives reconsider its order and that it instead, avail of all legal remedies that are provided to it under the Constitution, the law and the Rules of Court,” dagdag nina Sereno at Reyes.

Nauna nang nagbanta si Speaker Pantaleon Alvarez na ipapa-abolish ang CA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending