P1,000 kada pakete ng noodles | Bandera

P1,000 kada pakete ng noodles

Leifbilly Begas - June 21, 2017 - 12:10 AM

KUNG ngayon, nagkakasya sa isang pakete ng noodles ang isang mahirap na pamilya at naisasahog nila ito sa isang bandehadong kanin, ano na lang kaya ang kakainin nila sa sandaling makapasa ang pagtaas ng buwis sa sodium chrloride?

Tiyak ang mangyayari, asin na tinunaw na lang sa tubig ang magsisilbing ulam nila.

Mukhang seryoso ang mga kaalyado ng Malacanang na ituloy ang pagdaragdag ng buwis sa asin na ginagamit sa mga produkto gaya ng noodles at mga de lata.

Marami raw kasing Pinoy ang nagkakaroon ng sakit sa bato dahil sa labis na pagkain na maaalat.

Bukod sa tinatamaan ang kidney, nagpapataas din ng blood pressure ang maalat na pagkain kaya posibleng madali ng stroke o atake sa puso.

Kaya ipinanukala ng mga mababatas ang “health bill” na magpapataas sa presyo ng mga produkto na ginagamitan ng asin.

Sa ilalim ng House bill 3719 ni Masbate Rep. Scott David Lanete, papatawan ng P1 ang kada milligram (mg) ng sodium chloride na lagpas sa one-third ng daily requirement ng isang tao.

Ayon sa iba’t ibang source, ang daily average sodium requirement ng isang adult ay dalawang gramo. Ang one-third 666 gramo.

Meron akong nakitang instant noodles na 1690mg ang nakalistang sodium content.

Kung ito ang gagamiting sample, mahigit 1000mg ang lagpas sa one-third ng daily requirement ng isang tao.

Kung P1 ang ipapataw sa bawat mg, ibig sabihin mahigit na P1,000 ang magiging presyo nito.

Yung isang brand naman ng kulay pulang chicken noodles 1790mg ang sodium content. Mahigit sa 1,000mg ang sobra sa one-third sodium content.

Sino naman ang bibili ng instant noodles na mahigit P1,000 ang halaga?

Kung hindi papatawan ng buwis ang rock salt na tinatakal sa mga palengke, malamang ito na lang ang tyagain ng mga walang maipambili ng ulam. Ihahalo ang asin sa maligamgam na tubig at isasabaw sa kanin.

***

 

Mukhang may mga na-excite nang hindi lumabas sa publiko si Pangulong Duterte.

Ang iniisip nila, masama ang lagay ni Du30 kaya hindi ito makaharap sa media at sa publiko. Hindi kasi ito karaniwan.

Kaya naman kung anu-ano ang mga kwento at espekulasyon ang kumalat.

May nagsabi na nasa Cardinal Santos hospital daw. Yung iba malala na raw at ginagamot sa Malacanang. Pinagdudahan pa yung litrato na inilabas ng Palasyo para patunayan na okay ang pangulo.

Stressful naman kasi talaga ang pagiging presidente. Andaming problema ng bansa at dumagdag pa ang pag-atake ng Maute sa Marawi City kaya hindi imposible na bumigay ang katawan sa kakaisip nito.

Pero noong Sabado ay lumabas na si Du30 kaya natigil na ang tsismisan.

 

***

 

Dahil maraming hula ang mali, ang hulaan na lang nila ay kung ano ang sasabihin ni Du30 sa ikalawang State of the Nation Address nito sa isang buwan.

Hulaan nila kung babanatan ba sila ni Duterte at kung babasahin na ba nito ang kanyang prepared speech o hindi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o tanong, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending