Huwag kang umasa sa mga ‘jaguar’ | Bandera

Huwag kang umasa sa mga ‘jaguar’

Ramon Tulfo - June 20, 2017 - 12:20 AM

HULI na upang makipag-usap ang gobyerno sa mga terorista na sumakop sa Marawi City, sinabi ni Pangulong Digong.

At bakit naman makikipag-usap ang gobyerno sa mga grupong Maute at Abu Sayyaf ma-tapos itong malagasan ng 59 na sundalo sa apat na linggo ng labanan sa Marawi?

Sinabi sa editorial ng New York Times na panghahambog o pagmamatigas lang daw ng pangulo nang sabihin niyang di siya makikipag-usap sa mga terorista.

Nakisuyo at halos lumuhod nga ang presidente sa mga terorista na huwag nang labanan ang mga sundalo dahil pinapatay ang mga Pinoy ang kapwa nila Pinoy.

Pero hindi siya pinakinggan ng armed group at bagkus ay nilakasan pa ang paglaban sa mga sundalo.

Anyway, huwag na nating pansinin ang parachute journalists o mga banyagang reporters na nagrereport tungkol sa kaguluhan sa bansa pero di nila inaalam ang puno’t dulo ng gusot.

Ang mga foreign journalists na nabanggit ay pinapanigan ang mga opposition figures dahil they make good copy dahil kontrobersyal ang ating presidente.
***

Nang tinanggihan ni presidente ang alok ng mga Maranao religious and political leaders na makipag-negotiate siya sa mga grupong Maute at Abu Sayyaf, naintindihan siya ng mga hindi Muslim.

Ang Non-Muslim Filipinos na bihasa sa kultura ng Moro ang magsasabi na ang mga Muslim religious at political leaders mismo ang nag-uudyok sa mga kapwa nila Moro na labanan ang gobyerno.

Ang mga Muslim at Kristiyano na nagsasabing hindi ito totoo ay nagsisi-nungaling.

Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa: Kapag ang Muslim ay napaaway sa isang Kristiyano o hindi Muslim, papanigan siya ng kanyang kapwa Muslim dahil magkapareho sila ng relihiyon.

Totoo ito lalong lalo na sa mga tribung Tausog, Maranao at Maguindanao.
***

Ang mga haka-haka na may malubhang sakit ang pangulo ay di sana nangyari kung ang communications office ng Palasyo ay nagpahayag na nagpapahinga siya dahil sa sobrang emosyon gawa ng pakikipagdalamhati sa mga naulila ng mga sundalong namatay sa Marawi.

Ang emotional exhaustion ay nakaapekto sa kapakanan ng Commander-in-Chief na dapat siya’y magpahinga ng ilang araw.

Emotional fatigue is much more taxing than physical fatigue.

Sana hindi na kinailangang magpahayag pa ni Presidente na siya’y nasa “kama lang at hindi na coma” kung ginawa ng presidential communications office ang trabaho nito.
***

Bakit kinailangan pa ng Kamara de Representantes na imbestigahan ang ba-ngayan ng liderato sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ay hindi naiintidihan ng mga taong nakakaalam.

Yun ay panghihimasok ng lehislatura sa isang tanggapan ng executive branch na co-equal branch of government.

Pero hindi ayaw makialam si Executive Secretary Bingbong Medialdea sa bangayan nina SBMA Chairman Martin Dino at Administrator Wilma Eisma, kaya’t nakialam na ang Kongreso.

Mahina kasing lider itong si Medialdea at sinurender niya ang kapangyarihan ng executive branch sa lehislatura.

Dapat sigurong palitan si Medialdea ng matapang-tapang na lider.
***
Wala kang maaasahan sa mga “jaguar” o security guards.

Nang binubugbog si Kunihiko Susiyama, 19 anyos na estudyante ng Dela Salle University-College of St. Benilde, ng kapwa niya mga estudyante ay tiningnan lang sila ng mga guwardiya ng La Salle.

Ang pambubugbog ay nasa labas ng campus pero tanaw na tanaw ito ng mga guards ng La Salle at alam nila na mga estudyante ang nambugbog sa kapwa nila estudyante.

At saan naman ang mga pulis?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alam naman natin na lumalabas lang ang mga pulis sa kani-kanilang lungga matapos ang kaguluhan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending