Gwapong young actor adik sa alak, walang awa sa ka-loveteam
SIGURADONG iuupo ng mga namamahala sa kanyang career ang isang guwapong young actor at kakausapin siya nang masinsinan. Pamimiliin na kaya siya ng kanyang manager kung ano talaga ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay at career?
Matagal nang problemado ang management agency ng guwapong young actor dahil matigas ang kanyang ulo. Wala siyang pinakikinggan, gagawin niya kung ano ang gusto niya, kahit pala ang kanyang mga magulang ay suko na sa katigasan ng kanyang ulo.
Kuwento ng isang source, “Mahilig kasi siyang mag-bar hopping, wala siyang kapagud-pagod sa kalalabas sa gabi. Malakas din siyang uminom, kaya ang ending, umuuwi siyang lasing na lasing,” sabi nito.
At kapag lasing na umuuwi ang guwapong young actor ay natural lang na hindi maganda ang kanyang gising dahil sa hangover. Mabigat ang kanyang katawan, masakit ang kanyang ulo, kaya hindi siya nakararating sa maaga niyang kompromiso.
“Ano ba naman ang maaasahan mo sa isang may hangover? Natural, wala siya sa mood magtrabaho dahil ang gusto lang niyang mangyari, e, ang mahiga at makabawi sa nawalang energy niya?
“Matigas talaga ang ulo ng bagets na ‘yun! Ilang ulit na nga siyang sumasabit sa mga tinatanggap niyang trabaho, pero hindi pa rin siya natututo!
“Kausapin na sana siya ng manager niya, tanungin na sana siya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay at career niya! Hindi puwede ang ganyan, wala siyang disiplina!
“Hindi ba siya nahihiya? Kahit sa ka-loveteam na lang sana niya, e, magkaroon naman siya ng kahihiyan! Palagi na lang siyang ganyan, kailangan na siyang turuan ng leksiyon!” dagdag na impormasyon pa ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, sayang na sayang ang magandang career ng guwapong young actor na ito, di ba naman? Basahan n’yo nga ng litanya ang mokong na ‘yan! Please read it aloud!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.