Tatay kinasuhan matapos gahasain ang 4 na anak na babae; 2 nabuntis | Bandera

Tatay kinasuhan matapos gahasain ang 4 na anak na babae; 2 nabuntis

- June 18, 2017 - 05:00 PM

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang padre de pamilya na paulit-ulit umanong ginahasa ang apat na menor-de-edad na anak sa Masbate City, Masbate.
Ani PO3 Mary Ann Berano, dinakip ang suspek na 45-anyos na lalaki, alas-4:30 ng hapon Biyernes sa kanilang tahanan sa Brgy. Batuhan matapos magsumbong ang limang-taong-gulang na anak sa janitor ng kanilang paaralan.
Sinabi ni Berano na pinagtangkaang gahasain ng ama ang bata subalit nakatakas lamang ito.
Habang iniimbestigahan ang alegasyon ay nadiskubre na ginahasa rin ng suspek ang tatlong iba pang anak na may edad na 15, 13 at 10 sa kanilang bahay habang wala ang kanilang ina, at nagtatrabaho sa bayan ng Mandaon.
Sinabi ni pulis, na base sa isinagawang pregnancy test noong Sabado ay buntis ang 13 at 10-anyos na mga biktima.
“The mother of the victims seldom visits their children because they are in on-and-off relationship. The grandmother disclosed that her daughter is being abused by the suspect,” sabi ni Berano.
Ni-rescue ang mga biktima at nasa kustodiya na ng “Balay Pasirugan” sa
Brgy Pating, Masbate City.
Lumalabas sa imbestigasyon na ginahasa rin ang 13 at 10-anyos na mga biktima ng kanilang 50-anyos na tiyuhin, ang mister ng kapatid ng kanilang tatay.
Umalis ang tiyuhin sa bahay ng mga biktima at lumuwas ng Maynila.
Binigyan ng suspek ng pera ang mga biktima para hindi umano magsumbong sa pulisya.
Idinagdag ni Berano na ginahasa rin ng suspek ang dalawang anak nito sa kanyang unang asawa.
Nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa unang pamilya ng suspek para makapagharap din ng kaso ang mga ito. — Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending