Kahit Grab driver pwedeng may SSS, PhilHealth | Bandera

Kahit Grab driver pwedeng may SSS, PhilHealth

Liza Soriano - June 17, 2017 - 12:10 AM

ISA pong pagbati sa mga sumusubaybay ng inyong pahayagan. Batid ko na marami kayong natutulungan kaya may gusto sana akong itanong sa PhilHealth at SSS. Nag-resign na po ako sa trabaho mga two weeks ago. Nakahanap ng opportunity na maging Grab driver.  Kumuha po ako ng hulugan na sasakyan at akin ngayong pinapasada.

Mas nakita ko na mas malaki pala ang kikitain kaysa sa ma-ging ordinaryong manggagawa lamang. Sa aking pag-alis sa trabaho ay  mapuputol na rin po ang hinuhulugan sa akin sa SSS at Philhealth.  Ano po ang da-pat kong gawin para maipagpatuloy ang  pagiging miyembro lalo na po ng SSS at PhilHealth.

Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.
Eliseo Lamsen
Brgy Poblacion,
Sta . Barbara,
Pangasinan
DEAR Sir Eliseo:

Pagbati mula sa PhilHealth!

Nais po naming ipaalam na maaari po ninyong ipagpatuloy ang inyong paghuhulog sa ilalim ng Informal Economy Member (Individually Paying Member). Mangyari po ay i-update po ang inyong member category.   Punan lamang po ang  PhilHealth Member Registration Form at magbayad ng inyong premium contributions.

Amin din pong ipinapabatid na ang updating ay isinasagawa personally sa PhilHealth Service Office o sa alinmang PhilHealth Express na bukas mula Lunes hanggang Sabado, 10 am to 7 pm.

Narito po sa ibaba ang paraan ng pagbabayad:

Para sa Individually Paying Members (IPMs) na kumikita ng P25,000 at pataas kada buwan:
Kada Taon: PhP3,600.
Kada Semestral: P1,800.
Kada Kwarter:  P900.
Kada Buwan: P300.00

Para sa Individually Paying Members (IPMs) na kumikita ng P25,000 at pababa kada buwan:
Kada Taon: P2,400
Kada Semestral: P1200
Kada Kwarter: P600
Kada Buwan: P200

Maaari po kayong magbayad ng inyong contribution sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) o sa PhilHealth Accredited Collecting Agents (ACA’s). Sundan po ang link na ito para sa kompletong listahan ng (ACA’s)https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/local.html

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sawww.philhealth.gov.ph

Maraming salamat po!

Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website:
www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook:  www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending