Walang interes ang pulis sa kanilang trabaho | Bandera

Walang interes ang pulis sa kanilang trabaho

Ramon Tulfo - June 17, 2017 - 12:10 AM

BAKIT parang walang gana ang mga pulis sa kanilang trabaho?

Madalas nating nakikita ang pulis na nakauniporme sa kalye na wala sa kanilang isipan ang kanilang trabaho.

Sa halip na titingin-tingin sa kanilang paligid ay nakatuon ang kanilang pansin sa kanilang cellphone o nakikipagdaldalan sa kapwa pulis.

Gaya na lang ng pulis na naka-assign na magbantay sa pintuan ng Philippine Information Agency (PIA) building kahapon.

Napansin ng inyong lingkod at ng aking staff sa “Isumbong mo kay Tulfo” na nakababad sa pagte-text ang pulis sa kanilang cellphone.

Wala siyang pakialam sa paligid at parang dedma siya sa mga taong pumapasok at lumalabas sa pintuan ng gusali.

Naturingang government building pa ang kanyang binabantayan.

Typical siya sa mga unipormadong pulis na nakikita natin sa mga kalsada.
Kadalasan ay dalawa silang pulis, minsan ay tatlo pa nga. At kadalasan ay nakaupo sila at hindi naglilibot. Parang mabigat ang kanilang mga puwit at dinadala nilang kargada.

Di ba kailangang alerto ang isang pulis sa kanyang paligid? Pati-ngin-tingin, palingon-lingon sa mga tao at sasakyang nagdaraan.

Nawala na nga sa kanila ang pagtatrapik sa kalye, dapat ay alerto sila sa kanilang paligid.

Di ako magtataka kung isang araw ay maraming pulis sa kalye ang maaagawan ng baril o mabaril dahil nakatuon ang kanilang pansin sa cellphone o nakikipagdaldalan sa cellphone.

***

  Pumunta ka sa presinto at magreklamo lalo na’t ikaw ay nasa Metro Manila,  wala kang mararamdamang simpatiya sa pulis na tumatanggap ng iyong reklamo kung ikaw ay isang biktima ng krimen.

Halimbawang ikaw ay nabugbog-sarado at nagrereklamo ka sa pulis at duguan ang iyong katawan, ikaw pa ang uutusan ng pulis na pumunta sa ospital at magpa-medical at saka bumalik sa presinto
upang magsampa ng reklamo.

Ang dapat gawin ng pulis ay ihatid ka sa ospital, kunan ka ng pahayag habang ginagamot at arestuhin ang mga taong nambugbog sa iyo kung ang mga ito ay kilala mo.

Bihira ang mga pulis na gagawa ng nabanggit ko. Kasing bihira ng ngipin ng manok.

***

Kapag ikaw ay tumawag ng pulis dahil may patayan sa inyong lugar, darating kaya agad ang mobile ng pulis? Sigurado, pero ilang oras pa at wala na yung salarin.

Ang kanilang dahilan ay walang gasolina ang sasakyan nila.

***

May joke o biro tungkol sa mga pulis sa atin.

Sa New York, kapag tumawag ka ng pulis dahil sa nagaganap na krimen sa isang lugar, ang response time o ang panahon na dumating ang mga pulis sa pinangyayarihan ng krimen ay limang minuto.

Sa London, apat na minuto; sa Hong Kong, three minutes; sa Singapore, two minutes.

Sa Metro Manila, nandiyan kaagad ang pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ha? Bakit? Dahil ang pulis ang kriminal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending