Si Congressman atrasado magbayad sa anti-Du30 trolls
ISANG kongresista mula sa isang lungsod sa Metro Manila ang sinasabing may hawak ngayon sa pondo para sa mga grupong bumabanat sa kasalukuyang administrasyon.
Bulk o malaking bahagi ng pondong ito ay sinasabing pambayad sa ilang mga online trolls na pantapat rin sa mga diehard na keyboard warriors ng administrasyong Duterte.
Pero lately ay sinabi ng aking Cricket na palaging delayed ang kanyang pagbibigay ng pondo sa kanyang mga attack dogs na kinabibilangan ng isang nagpapakilalang freelance journalist na itatago natin sa pangalang “Kalbo”.
Napalapit si Cong kay Kalbo dahil ito rin ang dating attack dog ng isang natalong presidential candidate na kapartido naman ng naturang mambabatas.
Sinabi ng aking Cricket na todo ang suporta ni Cong sa mga atake sa administrasyon dahil malaki ang kanyang magiging papel sakaling mapalitan ang namumuno sa ating bansa.
Hindi lang sa aspeto ng kapangyarihan kundi dahil may “sangkot na damdamin” dito kung nauunawaan n’yo ang aking ibig sabihin.
Pero may lihim pa lang tampo si Kalbo kay Cong dahil lagi ngang delayed ang kanyang talent fee.
Si Kalbo pa naman ang unang nagpalutang dati na may sakit daw ang pangulo at hanggang ngayon ay ito ang laman ng kanyang mga online na banat sa chief executive.
Pero sa totoo lang ayon sa ating Cricket ay baka mas mauna pa raw sa hukay si Kalbo dahil sa dami nang iniinda nito sa kanyang katawan.
May alta presyon dahil mahilig kumain ng libre at may problema rin daw sa kanyang atay itong si Kalbo ayon pa sa ating Cricket.
Hindi siya nakakapag pa-check up sa oras dahil atrasado lagi ang tinatanggap niyang bayad.
Kapag nagpatuloy daw ito ay malamang na maghanap na ng bagong amo itong si Kalbo na noong araw pa ay kilala na bilang isang corrupt na tao sa industriya na kanyang kinabibilangan.
Ang mga bida sa ating kwento ngayong araw ay sina Cong. B….as in Boylet ni Madam.
Ang kalbo naman na kanyang online attack dog ay si Mr. P…as in Payroll.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.