Scholarship sa anak ng OFW

By Liza Soriano June 16,2017
share this

Scholarship sa anak ng OFW

By Liza Soriano June 16,2017
share this

MAGANDANG araw po sa Aksyon  Line, isa  po na OFW  ang mother ko sa KSA. Dapat po ay 2nd year college na ako pero na stop dahil sa walang pampaaral ang aking mother  Matagal na rin po kasing patay ang father ko  pero ,mabuti na lamang at natanggap ang nanay ko na makapagtrabaho sa Saudi Arabia bilang domestic helper . Nabalitan ko po ang tungkol  sa scholarship program, ng OWWA. Paano po ba ang mag-aplay para makapag –aral sa kolehiyo . Honor student naman po ako  noong ako ay nag-aaral.

Salamat po
Jaremi Velasco
Bl 18 lot 35 gold st
Molino Bacoor Cavite

REPLY: Para sa iyong katanungan Jaremi, kasalukuyang ipinatutupad ang Education for Development Scholarship program (EDSP) para sa mga anak ng mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Katunayan sa Hulyo 31, 2017 ang ‘red letter’ day para sa mga aktibong miyembro ng OWWA dahil ito ang huling araw para sa  pag file ng application para sa EDSP sa school year 2018-2019. Ang EDSP ay isa sa agency’s flagship program.

Ang EDSP ay isang scholarshio program na ibinibigay sa mga dependents ng mga aktibong OWWA members  na mag eenroll o kasalukuyang kumukuha ng four-year sa five-year baccalaureate course na pumasa sa pagsusulit ay maaaring makatanggap ng P60,000 educational assistance kada taon

Pinapayuhan  naman ang mga aktibong OFW members na i-register ang kanilang anak na nagnanais na mag-aplay para sa  may 1,000 EDSP slots

Higit na pinalawak ng OWW ang kanilang adbokasiya para sa “gift of knowledge through education” para sa mga  nagnanais na makapag-aral subali’t walang sapat na salapi

Pinalawig din ang EDSP’s coverage na  mula sa 200 annual scholarship slots ay ginawa n itong 1,000 para s amga eligible beneficiaries

Pinalawig din ng 6 na buwan para sa mga mag-aavail, pagpapatupad ng insurance coverage sa lahat ng scholars

Para sa may mga katanungan :ang mga aktibong  OWWA members sa National Capital Region (NCR)  ay maaaring makipag-ugnayan sa  OWWA-NCR  sa telephone numbers 891 7601 local 5219, or thru text message to  0917 898 6992,  o bisitahin ang pinakamalapit na OWWA Regional Office sa kanilang lugar
Administrator Hans Leo J. Cacdac
OWWA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or [email protected] gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending