Magic ng tambalang Gerald at Kim matindi pa rin ang epek | Bandera

Magic ng tambalang Gerald at Kim matindi pa rin ang epek

Reggee Bonoan |June 15,2017
facebook
share this

Magic ng tambalang Gerald at Kim matindi pa rin ang epek

Reggee Bonoan - June 15, 2017 - 12:01 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

ISA sa mga araw na ito ay malalaman na ni Gerald Anderson (bilang si Gabriel Viloria) kung sino ang tunay niyang magulang sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na napapanood sa ABS-CBN.

Base kasi sa takbo ng kuwento ay parang lumalabas na si Michael de Mesa (Roman dela Vega) ang tunay niyang ama at hindi si Daniel Fernando (bilang Rigor Viloria).

Napansin ng asawa ni Roman na si Victoria (Ayen Munji-Laurel) na magaan ang loob nito kay Gabriel.

Simula kasi nu’ng nakita ni Roman si Gabriel ay hindi na nawala sa isipan niya ang lalaking kinamumuhian ng kinikilala niyang anak na si Carlos (Jake Cuenca) na karibal nga nito kay Bianca (Kim Chiu).

Umupa si Roman ng imbestigador para alamin kung sino talaga si Gabriel at kung saan lumaki ang binata at sino ang magulang nito.

Dahil laging may lakad kaya hindi namin nasusundan parati ang Ikaw Lang Ang Iibigin. Muli kaming nakapanood nito noong Martes kung saan in-announce ni Roman na kinuha na rin niyang endorser ng Tiger Shark si Gabriel para itambal kay Bianca. Kaya naman gulat na gulat si Carlos.

Tinanong ni Carlos ang ama kung bakit si Gabriel pa ang kinuhang endorse at bakit hindi man lang daw ipinaalam sa kanya bilang manager ng Tiger Shark company.

Simpleng tanong ang ibinato ni Roman sa kinikilalang anak, “Mayroon kang magandang strategy na itatapon mo lang dahil may personal kang galit sa endorser mo?”

Anyway, nakakita naman ng pagkakataon si Rigor para mapakinabangan ang anak-anakang si Gabriel kaya personal siyang nagpakilala kay Roman at nagpakilalang manager ng anak.

Nagulat naman ang dating karelasyon ni Rigor na si Victoria sa ginawa nito. Pero binalaan niya itong inilalapit lang ang sarili sa kapahamakan.

Anak nina Rigor at Victoria si Carlos at kapag nalaman lahat ni Roman ang panloloko ng dalawa ay maghihirap ang anak nila. Sa umpisa pa lang ay malayo na ang loob ni Roman sa kinikilalang anak. Tulad din ni Rigor na wala ring amor kay Gabriel dahil hindi rin niya ito tunay na anak.

Malayo pa ang tatakbuhin ng kuwento ng Ikaw Lang Ang Iibigin dahil marami pang twist and turns ang serye na dapat abangan ng mga manonood kaya huwag nang bibitiw. Napapanood ang ILAI sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime.

Samantala, sang-ayon kami sa mga sinasabi ng mga fans na hindi pa rin nawawala ang magic ng Kimerald. Matindi pa rin ang spark ng kanilang tambalan kaya marami pa rin ang kinikilig sa kanila.

May nagsabi pa nga na ibang-iba pa rin talaga ang original, babalik-balikan mo pa rin kahit na nag-try ka pa ng iba.
Pinupuri rin ng netizens ang mahusay na pagkokontrabida ni Jake sa serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa halip na mapikon o mabwisit, nagpapasalamat pa ang magaling na aktor sa kanyang mga bashers niya dahil ibig sabihin lang daw nito ay effective ang akting niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending