Sue Ramirez swerte kina Kathryn at Daniel
FEELING lucky and blessed ang Kapamilya singer-actress na si Sue Ramirez dahil muli niyang makakatrabaho sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Una nang nakasama ni Sue ang KathNiel loveteam sa seryeng Pangako Sa’yo at ngayon nga ay makakatrabaho niya uli ang isa sa pambatong tambalan ng Kapamilya Network sa fantasy-action-romcom series na La Luna Sangre.
“Ako unang-una thankful ako kay God. Sobrang thankful ako to be working again with KathNiel and sobrang special itong opportunity na ito kasi makakatrabaho ko ulit si direk Cathy (Garcia-Molina) na sobrang wish ko talaga maka-work.
“And siyempre thankful din ako sa Star Creatives sa tiwala nila sa akin ulit to be part of a KathNiel project. I’m just blessed, super blessed,” pahayag ni Sue sa nakaraang presscon ng La Luna Sangre na magsisimula na sa darating na Lunes sa Primetime Bida.
Kung sa PSY ay si Daniel ang laging kaeksena ng dalaga, dito sa La Luna Sangre, “Ngayon kay Kathryn naman ako at hindi ako third party dito. Magiging ate ako ni Kathryn at kami ‘yung mag-aalaga sa kanya and make sure na safe siya.”
Ano ang bagong challenge sa ginagampanan niyang role sa serye? “Medyo mature, mas matanda ‘yung role ko sa totoong edad ko. Siguro iyon ‘yung challenge doon.”
Samantala, bukod sa nasabing teleserye, magiging busy din ngayon si Sue sa paghahanda para sa first major concert niya kasama sina Kristel Fulgar, Loisa Andalio at Maris Racal, ang “4 Of A Kind: The Unforgettable Concert” na mapapanood na sa July 8 sa Music Museum.
Sey ni Sue, “It’s called 4 of a Kind basically because we have different genres. So unlike other concerts na isa lang yung artist so isa lang yung mag-pe-perform dito apat kami tapos iba iba kami ng genre in music so very interesting yung buong concept talaga ng concert. Susubukan din namin sumayaw together. Hahahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.