‘La Luna Sangre’ ng KathNiel tinuhog ang action, fantasy, romcom, horror
“COMIC relief with a cause!” Iyan ang magiging silbi o papel nina Randy Santiago, Gelli de Belen at Joross Gamboa sa La Luna Sangre, ang inaabangang teleserye ng KathNiel loveteam sa primetime.
Bukod sa mga lead stars ng show na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sandali ring bibida rito sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz (hindi sigurado kung tuluyan nang papatayin ang kanilang mga karakter pero may hint na posibleng bumalik pa sila sa ibang episode) plus meron pang Richard Gutierrez with Ina Raymundo, Sue Ramirez at marami pang iba.
“This is your kind of story na full of surprises. May mga lilitaw at lalabas na mga karakter na imposible ninyong iisipin na puwede pala. But basically, this is KathNiel’s story. Hindi puwedeng alisin ang rom-com element kahit na fantasy-action-thriller-horror ang La Luna,” bahagi ng paliwanag ng tugang kumare naming si direk Cathy Garcia-Molina na sasamahan din ni direk Richard Arellano.
Indeed, “biggest” project nga ito ng KathNiel sa TV at ramdam naming muli silang magtatagumpay.
Kuwelang-kuwela talaga si Daniel sa mga nakakakilig na eksena niya with Kathryn, na mukhang revelation nga ang pagka-fierce sa mga gagawin niyang action scenes.
With this bonggang-bonggang project, mas nag-level-up pa ang tandem nila pero dala-dala pa rin nila ang sarap ng kilig na gustung-gusto ng manonood.
Magsisimula nang umere sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang La Luna Sangre sa June 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.