2 Fil-foreign spikers ng Sta. Lucia masusubukan kontra Cignal | Bandera

2 Fil-foreign spikers ng Sta. Lucia masusubukan kontra Cignal

Angelito Oredo - June 08, 2017 - 12:08 AM

 Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
3 p.m. Sta. Lucia vs Cignal
5 p.m. Cherrylume vs Cocolife
7 p.m. Petron vs F2 Logistics

MASUSUBOK ang kakayahan ng dalawang Filipino-foreign players  ng Sta. Lucia Realtors ngayong hapon sa pagsagupa nito sa title contender na Cignal HD Spikers sa 2017 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Makikilatis ang Fil-foreign recruits na sina Mar-Jana (MJ) Philips at Rebecca Rivera para sa Sta. Lucia Lady Realtors na asam makatikim ng unang panalo ganap na alas-3 ng hapon kontra sa mas nagpalakas na Cignal HD Spikers sa pagdalo sa isang training camp sa Japan sa kaseryosohan nitong maiuwi ang una nitong korona sa liga.

Sunod na magsasagupa ang bagito rin na Cherrylume Iron Lady Warriors at ang Cocolife Asset Managers ganap na alas-5 ng hapon bago ang salpukan ng Petron Blaze Spikers at ang nagtatanggol na kampeon na F2 Logistics sa ganap na alas-7 ng gabi.

Agad nakalasap ng kabiguan ang Cherrylume sa una nitong laro kontra sa Foton Tornadoes, 21-25, 16-25, 17-25, gayundin ang makakatapat nito ngayong hapon na Cocolife na nabigo naman sa Generika-Ayala Life Savers sa loob ng apat na set, 14-25, 25-23, 15-25, 14-25.

Gayunman, nakatuon ang atensiyon sa pares ng Fil-foreigners na 21-anyos na si Philips at 22-anyos na si Rivera na bitbit ang impresibong kredensiyal sa pagsabak nito para sa Lady Realtors na pilit tatabunan ang panghuli nitong puwestong pagtatapos at hindi man lamang pagkakatikim ng panalo sa PSL Invitational Conference.

Ang 5-foot-10 na si Philips ay bitbit ang karanasan   sa Elite Eight ng 2014 US NCAA Division III tournament para sa Juniata College habang ang 5-foot-7 na si Rivera ay parte sa Canadian national championships sa high school   bago sumali sa University of Connecticut varsity sa US NCAA Division I bilang setter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending