Video na nagpapakita ng pagpaplano ng pag-atake sa Marawi inilabas
INILABAS ng militar ang isang video na nagpapakita ng pagpaplano ng pag-atake ng mga terorista sa Marawi City.
Makita sa video na nakuha ng Associated Press ang pagpupulong ng mga teroristang grupo sa pamumuno ng sinasabing lider ng Islamic State (IS) sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.
Nagpahayag ng katapatan sa IS si hapilon at iba pang terorista noong 2014.
Nadiskubre ng tropa ng gobyerno ang video sa isang cellpghone na nakumpiska noong Mayo 23 matapos ang raid sa isang safe house kung saan umano nagtatago sina Hapilon at iba pang terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.