Life story ni Pia sa MMK trending worldwide; Liza umani ng papuri | Bandera

Life story ni Pia sa MMK trending worldwide; Liza umani ng papuri

Ervin Santiago - June 05, 2017 - 12:10 AM

 

 

PURO papuri ang tinanggap ni Liza Soberano sa pagganap niya sa life story ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Dito napatunayan ng madlang pipol na kering-keri talaga ni Liza ang maging beauty queen. Bumaha ng magagandang mensahe sa Twitter mula sa mga nakapanood ng buhay ni Pia sa MMK kung saan idinetalye ang mga hirap at pagsubok na pinagdaanan ng dalaga bago niya nakamit ang tagumpay.

Tumatak sa viewers ang mga madadramang eksena ni Liza lalo na ang mga breakdown scene niya dahil sa mga na-experience niyang rejections at ang matitinding pamba-bash sa kanya sa social media. Winner din ang confrontation scene nila ni Zsa Zsa Padilla na gumanap na nanay niya sa kuwento.

Dahil dito, naging top trending topic (worldwide) ang nasabing MMK episode. At ang nagkakaisang komento ng mga netizen, nabigyan ng hustisya ni Liza ang pagganap bilang Pia Wurtzbach.

Samantala, kinakarir na ngayon ni Liza ang matin-ding training para sa paglipad niya bilang bagong Darna sa big screen. Kung hindi na magbabago ang plano, isasali ito ng Star Cinema sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Hindi pa ina-announce ng Star Cinema kung si Enrique Gil pa rin ang makakatambal ni Liza sa “Darna” pero siyempre hindi naman papayag ang LizQuen fans na maetsapwera ang binata sa bonggang project na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending