Kim Rodriguez inatake ng depresyon kaya tumaba; dinenay na nagpalaglag | Bandera

Kim Rodriguez inatake ng depresyon kaya tumaba; dinenay na nagpalaglag

Julie Bonifacio - June 04, 2017 - 12:20 AM


DUMATING ang Kapuso star na si Kim Rodriguez ang celebrity screening ng pelikulang “Bhoy Instik” para sa Philippine Movie Press Club sa Fisher Mall last Sunday.

Halos walang make-up si Kim pero ang ganda pa rin ng kanyang mukha kahit medyo mataba siya ng konti ngayon.

Pagbeso ni Kim sa ilang members ng PMPC ay inulan na agad siya ng tanong tungkol sa ilang isyu. Una na ang balitang “nabuntis” at “nagpalaglag” diumano ang ex-girlfriend ni Kiko Estrada.

Pagtatanggol ng kasamahan namin sa PMPC at director na rin na si Ronald Rafer, tumaba lang daw talaga si Kim. Pero konti lang naman.

After mag-break sila ni Kiko, na-depress daw si Kim kaya laging nasa bahay at walang ginawa kundi kumain at magkutkot ng mga kung anu-anong junk food. Ganu’n naman talaga ang nangyayari sa mga babae pagkatapos makipag-break sa boyfriend, di ba?

Sa kabilang banda naman, may sinabi raw si Kiko sa isang interbyu kung bakit niya hiniwalayan si Kim.

Diumano, may karelasyon daw kasing congressman somewhere in Northern Luzon ang dalaga.

Mariin naman itong itinanggi ni Kim at gusto nang deadmahin ang isyu regarding kay Kiko na nali-link naman ngayon sa isang Kapuso female star. After ni Kim, naging karelasyon daw ni Kiko si Barbie Forteza for two months.

Singit naman ng isa pang colleague, hindi si Kim ang may karelasyon na congressman kundi ang current leading lady sa isang top primetime teleserye.

Bagung-bago pa lang at halos ‘di pa pansin sa showbiz noon ang female star nu’ng maging karelasyon daw ng isang kilalang kongresista sa probinsya.

Ganern?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending