Liza napaiyak, hindi magaya ang pagrampa ni Pia | Bandera

Liza napaiyak, hindi magaya ang pagrampa ni Pia

Ervin Santiago - June 03, 2017 - 12:30 AM

LIZA SOBERANO

IBABAHAGI ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga pinagdaanang pagsubok bago kilalaning pinakamagandang babae sa buong universe sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi.

Ang napiling bagong Darna na si Liza Soberano ang bibida sa life story ni Pia tonight sa MMK.

Naikuwento ni Liza na napaiyak talaga siya sa taping ng MMK dahil nahirapan siyang gayahin ang winning walk ni Pia, “Kasi I don’t like it when I’m unable to please myself. And I felt like I wasn’t able to do the walk properly. So I got pressured and then I started crying.”

Bilang panganay sa kanilang magkakapatid, namulat si Pia na kailangan niyang tumayo bilang breadwinner ng pamilya lalo na at iniwan na sila ng kanilang tatay. Matapang niyang pinasok ang mundo ng showiz at sinimulang tumanggap ng modeling at acting gigs.

Sa gitna ng kanyang pagtahak sa napiling karera ay pinanghinaan ng loob si Pia. Kasabay kasi ng matamlay niyang acting career ang pagsikat ng mga kasabayan niyang artista, isa na rito si Bea Alonzo. Dahil sa pamilya, hindi nagpatalo sa mga pagsubok si Pia at itinuloy pa rin ang pag-aartista.

Subalit hindi inaasahang mapuputol ang kanyang showbiz career nang piliin ng kanyang ina at bagong nitong asawa na mamuhay sa U.K.. Labag man sa kanyang kalooban ay sumama siya sa kanyang pamilya at nagsimula ng panibagong buhay.

Ilang taon din siyang nagtrabaho sa isang pabrika nang mapagtanto niyang hindi iyon ang gusto niya sa buhay. Kaya naman bumalik siya ng Pilipinas at sumubok muling kumatok sa pinto ng mundo ng showbiz.

Ano kaya ang nangyari sa kanyang pagbabalik? Paano siya napasok sa mundo ng beauty pageants? Ano-ano pa kayang pagsubok ang kanyang hinarap sa maabot lang ang pangarap?

Makakasama rin sa episode na ito sina Zsa Zsa Padilla, Lee O’Brien, Fifth Solomon, Roeder Camanag, Hanna Ledesma, Michelle Vito, Heaven Peralejo, Lilygem Yulores, Krystal Mejes at Erin Ocampo, sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Benson Logronio.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending