Seguridad sa palibot ng Malacanang pinaigting matapos ang insidente sa Resorts World
NAGHIGPIT ng seguridad sa palibot ng Malacanang matapos ang nangyaring insidente sa Resorts World Manila.
Isinara ang mga gate papasok ng Malacanang at nagpakalat ng mga tangke sa loob at hindi na rin pinapapasok ang mga pampasaherong dyip.
Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na nakaalerto na sa buong Metro Manila matapos ang insidente.
“We are not discounting possibility of even a small-scale terror attack in Metro Manila that’s why security forces had been in high alert,” sabi ni Esperon.
Kasabay nito, nanawagan si Esperon sa publiko na manatiling kalmado, bagamat maging alerto.
“Let us not be unwitting tools if terror by spreading false rumors. Like claiming that the Resort world is terror – related. such claims and announcements dont help,” dagdag ni Esperon.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nakikiramay ang Palasyo sa pamilya ng mga nasawi sa insidente sa Resorts World.
“This is a reminder that civilized society has no place for this kind of violence. Thus, President Rodrigo Roa Duterte has put the campaign against criminality as a centerpiece program of his administration,” sabi ni Abella.
Idinagdag ni Abella na ang kaligtasan ng lahat mamamayan at ang seguridad ng lahat ng komunidad ang prayoridad ng pamahalaan.
“We hope to seek everybody’s cooperation to achieve a peaceful and fear-free environment,” ayon pa kay Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending