HINDI ang mundo ang ipinagdarasal Ko (Jesus) kundi ang ipinagkaloob Mo (Ama) sa Akin, dahil iyo sila. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 20:17-27; Slm 68; Jn 17:1-11a) sa ikapitong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Ang mundo, magulo man, ay mundo pa rin. Ang dapat ipagdasal ay ang tao, o lider, na magulo nga. Sa pamamagitan ng dasal, di lang minsan kundi parati’t marubdob, maaaring bumaba ang Banal na Awa at panibaguhin ang tao, o lider; at susunod na magbabago ang mundo.
Umabuso na ba si Digong sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao? Pero, mas gusto ng mga taga-Marawi, Iligan, Davao City, Ozamiz, Oroquieta, Cagayan de Oro, atbp., ang martial law para supilin ang kasamaan, at pang-aabuso, ng mga Moro. Ang abusado sa martial law ay si FVR.. Buhay pa sina Tiglao, Olivar, Rosales, Taguiwalo, Mariano, Papa, atbp., na makapagpapatunay sa abusadong PC ni FVR.
Nangamkam na ba ng yaman at pera sina Honeylet, Zimmerman, Sara, Paolo, Baste at mga “crony” na sina Co, Medialdea, Pinol, Alvarez, Floirendo, Pimentel, Pacquiao, atbp? Dumami na ba na parang Gremlins ang mga huwes at piskal na Mindanaoan, maging ang nasa matataas na hukuman? Lumusob na ba ang mga Mindanaoan sa Bicolandia, tulad noon na biglang nagka-puwesto ang mga Ilocano sa lalawigan ng oragon?
Normal kay Digong ang gulo, dahil kinagisnan niya, ang bakbakan ng Moro’t NPA at sundalo’t pulis sa Mindanao. Normal na may naiipit at namamatay na sibilyan, o ginagawa silang kalasag ng manliligalig. Normal na may pinupugutan, kahit araw-araw pang gawin ito. Ano ang problema ng mga taga-Luzon, na maiingay, tulad ni Christian Monsod, sa martial law?
Oo nga pala. Matindi ang pagkamuhi kay Duterte ng kabataang Atenista dahil kay Marcos. Kinompronta ko ang ilan sa kanila habang on-board sa radyo. Hindi nila alam na ang spiritual adviser nina Ferdinand at Imelda noon ay obispo mula sa Ateneo. Dalawang beses sa sanlinggo, nagmimisa ang obispo sa Palasyo at sinusubuan ng ostia ang mag-asawa. Ang tanong: kung nangomunyon ang dalawang demonyo sa obispong Ateneo, ano ngayon ang obispo? Ano ang Atenistang walang alam sa kahapon?
Estudyante pa lang si Marcos sa UP ay nasa isip na niya ang martial law. Ang martial law ay parang bundok Banahaw, nariyan lang at naghihintay na akyatin at gamitin. Napakahina ng martial law ni Cory Aquino dahil ang nasa isip ng babae ay si Marcos, ang nagpahirap sa kanyang asawa pero ibinigay ang pangangailangang medikal ng lalaki. Wala siyang nakitang terorista, bagaman nasa dictionary na iyon.
Nakatatakot ang maaaring maganap. Paano kung lusubin ng Maute ang Cebu City? Babagsak ang bansa dahil simula na ng kaharian ng Islam (caliphate). Sa bulok na martial law ni Cory, kailangang hintayin muna ang paglusob at rebelyon bago mag-martial law.
Ito namang si Chelsea, nagalit sa rape joke ni Digong. Di ba alam ni Chelsea na kahit si Raul Manglapus ay may rape joke din? May joke din ako kay Chelsea: blow job, na normal sa Kano, pero hindi pa hayagang ipinakikita sa R18 movies ng US. Isa pang joke: sino ang pinakamagaling mag-blow job sa White House (nasa transcript ng US Congress)?
PANALANGIN: Sa harap ng mga usapin at pangyayaring magbubunga ng kaguluhan, buksan Mo ang isip ng bawat isa sa paghahanap ng mapayapang kalutasan. Fr Mar Ladra, Diocese of Malolos.
REKLAMO mula sa Bayan (0916-5401958; [email protected]): Walang “public outcry against martial law.” Matagal nang magulo ang mga Moro dito sa Iligan. Ngayong martial law, tahimik sila. Bakit kayo sa Luzon, kayo reklamo. Kami sa Mindanao, gusto namin martial law. Liza, Barangay Hinaplanon, Iligan …7644
Itigil air strikes. Hindi asintado ang gunners ng helicopter gunships. Nasira bahay ng kapatid ko. Sino magpapaayos niyan? Dennis, Barangay Calocan East, Marawi …7998
Wala bang human rights si Fr. Chito ng St. Mary’s cathedral? Bakit hindi iniimbestigahan ng CHR ang human rights abuses ng Maute? DeeJay, Barangay Lilod Madaya, Marawi …4355
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.