10 sundalo patay, 7 pa sugatan sa "friendly airstrike" | Bandera

10 sundalo patay, 7 pa sugatan sa “friendly airstrike”

- June 01, 2017 - 02:58 PM
KINUMPIRMA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na 10 sundalo ang patay samantalang pitong iba pa ang sugatan sa nangyaring airstrike ng Philippine Airforce  kung saan aksidedenteng itong ibinagsak sa mga tropa ng gobyerno na nasa Marawi City. Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi ni Lorenzana na nalungkot si Pangulong Duterte matapos na ipaalam sa kanya ang insidente. “I got this the report late yesterday that during the air strike conducted by the Air Force, ito ‘yung — ito ‘yung mga trainer jets natin, ‘yung Marchetti S-260. There were two planes flying and the first plane dropped the — their ordnance accurately pero ‘yung pangalawa sumablay, tumama doon sa tropa natin,” sabi ni Lorenzana. Idinagdag ni Lorenzana na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang pangyayari. “We are still investigating, conducting an investigation headed by the Chief of Staff what really happened kung nagkaroon ba ng miscommunication or there was an error of somebody there on the ground or on the air sa parte ng piloto,” ayon pa kay Lorenzana. Sinabi pa ni Lorenzana na dinala na ang mga sundalong nasawi at nasugatan sa Cagayan de Oro. Ayon kay Lorenzana, inaasahang aabisuhan na ang pamilya ng mga nasawing sundalo. Kasabay nito, sinabi ni Lorenzana na itinigil muna ang isinasagawang airstike matapos ang insidente. “The commanders are reviewing their SOPs, nirereview nila ’yung mga procedures para maiwasan natin ‘yan because it’s very, very — masakit eh. It’s very sad to be hitting our own troops,” ayon pa kay Lorenzana. Idinagdag ni Lorenzana na ito ang unang pagkakataon na nangyari ang “friendly airstrike”. Kumpiyansa naman si Lorenzana na hindi apektado nang nangyari ang target ng militar na mapulbos nang tuluyan ang mga miyembro ng Maute group. “We still have more than one day so I’m sure the troops will do the best they can to accomplish the deadline,” ayon pa kay Lorenzana. Tiniyak naman ni Lorenzana na wala namang nadamay na sibilyan sa isinasagawang airstrike ng militar. “Sa awa ng Diyos, wala namang nadamay na civilian. Mga tropa lang,” sabi pa ni Lorenzana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending