Gerald kay Kim: Blessing po ang makasama ko uli ang ex-gf ko! | Bandera

Gerald kay Kim: Blessing po ang makasama ko uli ang ex-gf ko!

Ervin Santiago - May 31, 2017 - 12:01 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

NAPATUNAYAN ni Kapamilya hunk actor Gerald Anderson na pwede pala talagang maging mabuting magkaibigan ang dating magkarelasyon.

Sa nakaraang presscon ng latest movie ni Gerald kasama si Arci Muñoz, ang “Can We Still Be Friends” under Star Cinema, diretsong sinabi ng binata na muling naibalik ang friendship nila ni Kim Chiu dahil na rin sa kanilang teleserye ngayon na Ikaw Lang Ang Iibigin.

“Kaya kong sabihin genuinely at totoo na kaya ko pong makipagkaibigan sa ex ko, at dahil po yun sa show na ginagawa ko. Sobrang blessing nga siya dahil nagkaroon ako ng chance para makasama ko ang ex ko,” ani Gerald.

Kahit naman si Kim ay nagsasabing napakasarap sa pakiramdam na naibalik ang magandang relasyon nila ni Gerald sa kabila ng paghihiwalay nila bilang magdyowa.

Hirit pa ni Gerald, “Genuinely, talagang nagpapakatotoo ako sa inyong lahat, talagang tinatanong ko siya tungkol sa buhay niya, nagkukuwento ako sa kanya tungkol sa buhay ko. Every time na magkasama kami, kinukumusta namin ang isa’t isa.”

E, sila kaya ni Maja Salavador, posible rin kayang maging friends after their break-up? “It takes time,” maikling sagot ni Gerald.

Tungkol naman sa kanyang present lovelife, halatang iwas na iwas ang binata na pag-usapan ang kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo, basta ang sey lang niya, “Masaya naman. Chill-chill kami.”

Samantala, mukhang makaka-jackpot na naman ang Star Cinema sa second movie nina Gerald at Arci na “Can We Still Be Friends” directed by Prime Cruz showing on June 14 nationwide.

Kung nagustuhan n’yo raw kayo ang first movie nilang “Always Be My Maybe”, siguradong mas mag-eenjoy daw kayo sa “Can We Still Be Friends” dahil mas marami raw tiyak na makaka-relate sa love story nina Digs (Gerald) at Sam (Arci) na matapos ang walong taong relasyon ay bniglang nagkahiwalay after realizing na hindi na sila masaya sa isa’t isa.

Sasagutin ng pelikula ang tanong ng mga millennial kung pwede nga bang maging friends ang ex lovers at kung posible pa bang magkabalikan ang magkarekasyong nagkasawaan na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa movie sina Bryan santos, Ria Atayde, Brian Sy, Gege Severo, Erika Padilla, Markie Stroem at Emmanuelle Vera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending