Palasyo magtatalaga ng Maranao spokesperson | Bandera

Palasyo magtatalaga ng Maranao spokesperson

- May 28, 2017 - 03:19 PM
KINUMPIRMA ng Palasyo na posibleng magtalaga ng Maranao spokesperson sa harap ng krisis sa Marawi City. Sa isang pahayag, nilinaw naman ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na si Communications Secretary Martin Andanar ang direktang magiging boss ng bagong Maranao spokesperson at hindi siya. “The Maranao spokesperon is not under the OPS (Office of Presidential Spokesperson). There is nothing final yet; there are still discussions among offices,” sabi ni Abella. Iginiit ni Abella na ideya ni Andanar na magtalaga ng Maranao spokesperson. “The recommemdations to have a Maranao  spokesperson stemmed from PCO’s desire to have a point man in Iligan. No person designated yet,” ayon pa kay Abella. Nauna nang inalis kay Andanar ang kapangyarihang maglabas ng opisyal na pahayag na Palasyo at ibigay kay Abella ang otoridad na magsalita para kay Pangulong Duterte. Ito’y matapos na masangkot si Andanar sa word war sa media matapos ang mga kontrobersiyal na mga pahayag laban sa mga mamamahayag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending