PSL Manila bigo sa Vietinbank | Bandera

PSL Manila bigo sa Vietinbank

Angelito Oredo - May 27, 2017 - 12:10 AM

NATIKMAN ng Rebisco-PSL Manila ang ikalawang sunod na kabiguan matapos itong yumuko sa Vietinbank ng Vietnam sa loob ng apat na set, 21-25, 25-17, 20-25, 14-25, kahapon sa ginaganap na 2017 Asian Women’s Club Championships sa Boris Alexandrov Sports Palace sa Ust-Kamenogorsk, Kazakhstan.

Isa sa koponan na bitbit ang mga manlalarong makakasagupa ng pambansang koponan ng Pilipinas sa nalalapit na paglahok sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31, ilang beses na naghamon ang mga Pinay sa sumunod na dalawang set subalit nabigo sa mas preparadong mga Vietnamese.

Nakipaglaban ang mga Pinay sa dikitan na ikatlong set hanggang sa 17-15 at 19-17 bago na lamang tuluyang bumigay sa huling anim na puntos, 25-20. Agad din nitong itinala ang 3-1 abante sa ikaapat na set subalit unti-unti na lumayo ang mga Vietnamese na itinala ang 18-10 abante tungo na sa panalo sa 25-14.

Muling pinamunuan ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang PSL Manila sa kanyang 17 puntos habang nag-ambag sina Abigail Maraño at Juvelyn Gonzaga ng tig-10 puntos. May siyam si Rachelle Ann Daquis at tig-tatlo sina Maika Ortiz at Mika Reyes.

Makakalaban ngayon ng PSL Manila ang Tianjin Bohai Bank ng China ganap na ala-1:30 ng hapon na asam ang isang malaking upset sa kinukunsidera na simbolikong imahe ng volleyball powerhouse na China.

Simula noong 2002 hanggang 2011 ay nakapagwagi ang Tianjin ng walong titulo sa Chinese Volleyball League, dalawang titulo sa National Games of China at tatlong titulo sa AVC Club Championships. Ito din ang nagbibigay ng mga manlalaro sa pambansa nitong koponan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending