Para sa may kaarawan ngayon: Ngayon pa lang linawain sa isipan ang mga pangarap. Sa buwan ng Hunyo, maraming suwerte ang biglaang darating. Muling iinit ang relasyon, habang sa pinansyal, makapal na salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 6, 15, 24, 42, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Devah-Om.” Purple at beige ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kikita ng malaking halaga kung matututong mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Walang mabuting idudulot ang pabago-bago ng isip. Matatag at matigas na desisyon ang gawin upang patuloy na kumita ng malaking halaga at mas maging maligaya. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Sapadra-Om.” Red at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kapag nawasak ang pamilya, sa bandang huli, ikaw rin ang masasaktan. Makuntento sa kasalukuyan kaysa maghanap pa ng kung ano-anong luho na hindi naman kayang ibigay ng kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Niva-Om-Araanam.” Lilac at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan. Akuin ang pagkakamali ng iba. Sa pag-ibig, hayaan mong magreklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Karaam-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — May makasangga ka na sa malaking gastusing kinakaharap – isang Scorpio ang tutulong sa iyo. Sa pag-ibig, imungkahi sa kasuyong: “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating pamilya.” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahmeh-Dosya-Om.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at doon kayo mag nilay-nilay. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Obre-Om.” Purple at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Isang kaibigan ang naiinggit. Hindi niya matanggap na naunahan mo siyang umasenso. Tulungan siyang umasenso upang hindi ka niya siraan sa inyong mga kakilala. Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda, magiging mitsa payan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sari-Kara-Om.” Pink at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Maglubay na sa mga maling nakaugalian. Disiplinahin ang sarili upang umunlad ang kabuhayan at humaba ang buhay. Sa pag-ibig, panahon na upang iwasan ang imoral na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Ketu-Om.” Red at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pagsisipag, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa karelasyong mataba, tamang-tama lang ang karelasyong payat at balingkinitan ang pangangatawan. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang kalinisan ang magdadala ng magandang kapalaran. Simulan nang maglinis ng silid at buong kabahayan. Sa pag-ibig, wag nang katulungin ang kasuyo sa paglilinis, lalo lang magugulo ang iyong mga gamit–pabilhin na lang siya ng meryenda! Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa kabila ng maraming problema ay darating ang malaking himala na noon mo pa hinihintay. Ang isang nilalang na noon mo pa nais maangkin ay siya pa ang mag-aaya sa iyo at lalapit. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Halka-Om.” Blue at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Lihim na naiinis sa iyo ang mga kaibigan; huwag ka kasing maepal. Panatiliin ang pagiging low profile upang hindi ka nila kainisan nang lihim. Sa pag-ibig, kung minsan ay mas mainam na manahimik kaysa sa magdadadakdak. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Hagiel-Om.” Green at black buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari. Tama ang kasalukuyang desisyon—magmatapang! Sa pag-ibig, wag namang labis na pangunahan ang iyong kasuyo baka layasan ka niya. Mapalad ang 2, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Aum-Yara.” Magenta at lilac ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.