Sulat mula kay Rebecca ng St. Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,
BALAK kong inegosyo ang konting puhunan na ibinigay ng anak ko na nagtatrabaho asa abroad. Isinilang ako noong January 8, 1967 at September 23, 1966 naman ang mister ko. Ano po ba ang suwerteng negosyo para sa aming mag-asawa? Sana mapayuhan n’yo kami kung saan dapat dalhin ang pera upang pag-uwi ng anak ko ay makita niyang napalago namin ang aming negosyo nang sa ganoon ay hindi na kami aasa pa nang asa sa kanya. Sa ngayon kasi ay dalawa na lang kami ng mister ko sa bahay kaya naiinip kami. Lahat ng mga anak ko ay may kanya-kanya nang pamilya. At isa pa, maliit na bata pa lang ako ay pangarap ko ng magnegosyo at yumaman. Matutupad kaya ito at sa anong negosyo?
Umaasa,
Rebecca Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing sadyang matambok at malaman ang Bundok ng Saturno sa iyong palad (Illustration 1.). Ito ay nagpapahiwatig na sa negosyong tindahan o paghahayupan—pwede rin ang mga agricultural products – mabilis ang magaganap. Sa nasabing mga kalakal kayo aasenso at uunlad.
Cartomancy:
King of Diamonds, Queen of Diamonds at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa maalab at matapat na pagtutulungan ninyong mag-asawa, sa taon ding ito ng 2017, magsisimula ang pag-asenso at pag-unlad ng inyong kabuhayan sa pamamagitan ng negosyong tindahan sa palengke o sa public market.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.