Fariñas namumulitika na sa Ilocos Norte? | Bandera

Fariñas namumulitika na sa Ilocos Norte?

Jimmy Alcantara - May 23, 2017 - 12:13 AM

BISTADONG-bistado ang galaw ni House majority leader Rep. Rudy Fariñas na target niya ang pwestong babakantehin ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa national at local elections sa 2019.

Aba’y halos eksaktong dalawang taon bago ang halalan ay pinaigkas na ni Congressman ang kanyang unang pasabog.
Noong isang linggo ay naghain ng resolusyon itong si Farinas upang maimbestigahan ang paggamit ng provincial government sa excise tax mula sa mga sigarilyong gawa sa probinsya.
Hirit niya, imbes daw na sa livelihood at infrastructure projects para sa mga nagtatanim ng tabako ilaan ang kinitang buwis ay ipinambili raw ito ng minicab, bus ar minitruck nang hindi dumadaan sa public bidding.
Kung inaakala ni Farinas na mapapalitan niya ang mga Marcos sa Ilocos Norte sa pambabato ng putik kay Imee, nagkakamali siya.
Unang-una, wala umanong iregularidad sa ginawang pagbili sa mga sasakyan dahil gagamitin ang mga ito para mapabilis ang transportasyon ng mga produkto mula sa taniman patungo sa mga pabrika at pamilihan.
Ikalawa, otorisado rin umano ito ng Sangguniang Panlalawigan at umayon sa mga batas at sa mga procurement at bidding procedures ng pamahalaan.
At kung nagtanong-tanong at pinag-aralan lamang ang proyekto, malalaman na ang ginawang pagbili ng sasakyan ay sumailalim umano sa audit at post-audit examination ng Commission on Audit, na wala umanong nakita anomalya sa transaksyon.
Ikatlo, hindi wasto na imbestigahan ang paggamit ng Ilocos Norte sa nasabing pondo mula sa tabako gayung nakikinabang rin sa excise tax ang ibang mga probinsya gaya ng La Union, Abra at Ilocos Sur.
Sa kanyang sulat/sagot sa Kamara, inireklamo ni Gov. Imee na tila nahusgahan na ni Farinas ang paggamit ng Ilocos Norte sa excise tax at pagbili sa mga sasakyan gayung hindi pa umaarangkada ang imbestigasyon.
Tama nga ba namang agad ilarawan ang mga ito ni Cong na “highly irregular” kung wala siyang ibinibinhing pagdududa sa publiko ukol sa kanyang makakalaban sa susunod na halalan?
Napakaaga para sa pamumulitika, di ba?
At tila hindi pa rin nakakaarangkada itong si Farinas sa ginawang pagsuporta ni Imee sa kasalukuyang alkalde ng Laoag City na si Chevylle Farinas laban sa kapatid ng kongresista na si Roger noong nakaraang halalan.
O baka naman hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Farinas sa pamilya Marcos nang tanggalin siya sa “One Ilocos Norte” team ni Bongbong dahil nagiging balakid umano ito sa adhikain ng grupo at sa dami ng mga hinihiling?
Move on din pag may time, Cong!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending