Gilas Pilipinas mas palalakasin | Bandera

Gilas Pilipinas mas palalakasin

Angelito Oredo - May 19, 2017 - 10:15 PM

PAHIRAP ng pahirap ang susunod na daan ng Pilipinas tungo sa inaasam nitong unang pagtapak sa Olimpiada.

Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes matapos itulak ang binuo nitong SEABA 12 sa korona ng 2017 Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Men’s Championship sa pagbigo sa Indonesia, 97-64, Huwebes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Ang panalo ng koponan ay nagtulak sa Pilipinas upang makapagkuwalipika sa sunod na dadaanan nitong yugto na  2017 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Beirut, Lebanon pati na rin sa isasagawang mga torneo para makatuntong sa 2019 FIBA World Cup.

“We just want to make sure we won this tournament first and then sit down again on the next task dahil pahirap na ng pahirap ang susunod na labanan,” sabi ni Reyes.

Pinatutungkulan ni Reyes ang susunod na hakbangin para sa pambansang koponan matapos nitong malaman ang bagong iskedyul ng kinabibilangan na internasyonal na asosasyon na Federation Internationale de Basketball (FIBA).

Unang poproblemahin ni Reyes ang magiging komposisyon ng koponan na isasabak sa FIBA Asia Cup sa Agosto at pati na sa kasabay halos nitong gaganaping torneo sa tulad na buwan na Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19 hanggang 30.

Ang unang FIBA World Cup qualification window ay nakatakda naman sa Nobyembre at ikalawa sa Pebrero.

“We know it’s going to be a challenge,” sabi ni Reyes. “It’s going to be difficult.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending