Horoscope, May 18, 2017 | Bandera

Horoscope, May 18, 2017

Madam Sophia |May 18,2017
facebook
share this

Horoscope, May 18, 2017

Madam Sophia - May 18, 2017 - 02:33 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Walang kaabog-abog biglang darating ang suwerte – ang kailangan lang magsuot ng blue o kaya’y red. Sa nasabing kulay, dagdag na salapi at masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Rama-Om.”
Aries – (Marso 21-April 19) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa ibayong dagat mas magiging masagana ang kinabukasan. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Isang Virgo ang lihim na nagkakagusto sa iyo. Kaya lang hindi mo naman siya pinapansin. Sa pinansyal, higit na mas mayaman at mas maunlad sa buhay kaysa sa iyo ang iyong mapapangasawa. Mapalad ang 6, 9 27, 34, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Aum.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Baguhin ang silid. Iharap sa silangan ang altar, habang ang kamang nakadikit sa dingding ay ilayo ng limang pulgada. Sa ganyang paraan, dagdag na suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 43, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Pad-Me-Om.” Violet at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang maging mapagbigay, upang lalong dumami ang dating ng grasya at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, bigyan ng regalo ang minamahal, isang bagay na korteng square, kulay puti o kaya’y kulay itim at tumutunog. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Orange at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kahit na may mga problema biglang may darating na suwerte. Sa pag-ibig, muling iinit ang nanlamig na relasyon. Sa pinansyal, naubos man ang salapi, muli itong madodoble at darami. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Gasmin-Nama-Om.” Red at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag apurahin ang pag-unlad, sinop-sinop lang upang yumaman, ang pagyaman ay kusang magaganap sa edad mong 50 pataas. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bheinjaa-Kebalam.” Green at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang iniisip na negosyong may kaugnayan sa pagkain at mga bagay na may kaugnayan sa darating na pasukan. Simulan mo na ngayon! Sa pag-ibig, kumbinsehin ang kasuyo na maki-join din. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om.” Blue at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Panatiliin ang pagiging mabait. Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, ituloy ang ugaling nagbabait-baitan, upang magtuloy-tuloy din ang isang masayang relasyon. Mapalad ang 2, 7, 18, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit-Omne-Om.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Isa-libro ang mga kakaibang naiisip. Sa pag-ibig ay ganon din, gumawa ng love story ng iyong love life. Sa ganyang paraan, pag-gawa ng libro, dyan ka kikilalanin at yayayaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheva-Om.” Gray at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mentras nahihirapan dapat kang magsaya, dahil indikasyon yan na malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, habang pinagpapawisan, lalong sumasarap ang romansa. Mapalad ang 6, 13, 22, 31, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Yellow at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi fairy tales ang karanasan, kaya kailangang mabuhay ka sa reyalidad. Sa ganyang bagong konsekto ng isipan, higit kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 4, 18, 28, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Pwede kang mangutang, kung ang kalahati ng uutangin ay gagawing savings, habang ang kalahati lang ang gagastusin. Wag na wag kang mangungutang kung gagastahin mo lang lahat sa walang kapararakang mga bagay. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Deva-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending