Kailan magkaka-girlfriend? | Bandera

Kailan magkaka-girlfriend?

Joseph Greenfield - May 14, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Bernard ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
May mga girlfriend at iyong iba ay may mga asawa na ang mga kaibigan ko at mga pinsan ko pero ako sa edad kong 35 na sa darating na September 25, ay ni minsan ay hindi ako nagka-girlfriend. Ito ang dahilan kung kaya naisipan kong sumangguni sa inyo,
upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend? May nililigawan akong babae sa ngayon na isinilang noong February 11, 1984, tulad ko single siya. Nais ko sanang malaman kung may pag-asa kaya na maging girlfriend ko siya? At kung magkaka-girlfriend na ako at sasagutin nya na ako magiging masaya at maligaya kaya ang bubuuin naming pamilya?
Umaasa,
Bernard ng Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, malamang na malamang na malapit ka na ngang magka-girlfriend at ito ay magaganap ngayong taon ding ito ng 2017.

ILLUS 5-15

Cartomancy:
Six of Hearts, Seven of Clubs at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan Hunyo o kaya’y Hulyo, isang babaing medyo chubby ang pangangatawan ang magiging girlfriend mo, kung kaya’t kung ganyan ang pisikal na diskripsiyon ng babaing nililigawan mo sa ngayon, malamang nga na sagutin ka na niya sa susunod na buwan ng Hunyo.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending