Guardianship nais ilipat | Bandera

Guardianship nais ilipat

Liza Soriano - May 13, 2017 - 12:10 AM

MAY tanong po ako mam, yung pension po kasi ng mga kapatid ng girlfriend ko ay yung tita po nila yung guardian.

Ngayon po, nais na ng girlfriend ko na ibukod ang mga kapatid niya dahil kaya na naman niyang alagaan ang mga ito. Ngunit sa nakikita po namin, ay ayaw ibigay ng tita niya yung pensyon ng mga bata. Paano po kaya ito? Salamat po.

Albert Serrano

REPLY: Ito ay bilang tugon sa email ni G. Albert Serrano tungkol sa pagpapalit ng guardianship ng mga kapatid ng kanyang girlfriend na tumatanggap ng pens-yon sa ilalim ng death benefit program.

Ang SSS po ay may sinusunod na mga kwalipikasyon upang matukoy ang tamang guardian na tatanggap ng pensyon para sa mga menor de edad na pangunahing benepisyaryo ng namatay na miyembro.

Kung wala nang naiwang magulang, ang tatayong guardian ay kung sino ang may kustodiya at nag-aalaga sa mga bata.

Kung ang girlfriend ni G. Serrano ay hindi na menor de edad at nasa kanya na ang kustodiya ng kaniyang mga kapatid, maaari niyang ipalipat ang guardianship ng mga bata sa kanya mula sa kanilang tiyahin.

Punuan lamang niya ang DDR 2 form na maaaring madownload mula sa website ng SSS sa www.sss.gov.ph o sa anumang tanggapan ng SSS at isumite ito kasama ng kopya ng kanyang dalawang balidong IDs sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS.

Ito po ang magiging basehan ng SSS branch para sa pagsasagawa ng imbestigasyon at pagpoproseso ng kanyang kahilingan.

Para po sa katanu-ngan ng ating mga miyembro, maaari rin po silang mag-email sa member_relations
@sss.gov.ph o tumawag sa callcenter 920-6446 hanggang 55.
Sana ay aming nabigyang linaw ang inyong katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending