'Sorry na lang sa lahat ng anti-Mocha, nanumpa na siya!' | Bandera

‘Sorry na lang sa lahat ng anti-Mocha, nanumpa na siya!’

Cristy Fermin - May 12, 2017 - 12:40 AM

MOCHA USON

MOCHA USON

WALA na sa MTRCB si Mocha Uson. Binaklas na siya du’n ni Pangulong Rodrigo Duterte para iposisyon bilang Assistant Secretary ng PCOO (Presidential Communications Operations Office).

Nagkatsangan na naman ang maraming dila bilang pagtutol-pagtuligsa sa bagong ipinagkatiwalang posisyon sa kanya, maraming nangunguwestiyon, bakit daw ba napakalaki ng tiwala ni Pangulong Digong kay Mocha?

Bago lumipad papuntang Cambodia ang pangulo ay ipinagtanggol ng tagapamuno ng ating bayan si Mocha Uson. Ayon sa pangulo ay may kapasidad si Mocha sa bago niyang trabaho dahil bukod sa masipag na siya at tutok sa mga nangyayari sa ating bayan ay palaban pa.

At madiing sinabi pa ng pangulo na napakalaki ng naitulong ni Mocha sa kanyang kampanya, ginawa ‘yun ng singer-dancer ng Mocha Girls nang walang kapalit, kaya payback time na ngayon.

At sa aming pangingilatis sa kapasidad ni Mocha Uson ay dito siya nababagay. Malawak ang nasasakupan ng PCOO, ang aspeto ng social media ang nakatoka sa kanya hindi birong kuwalipikasyon ang pagiging social media blogger ni Mocha Uson na may mahigit na apat na milyong tagasubaybay.

Malaki ang mapapatunayan ni Mocha sa PCOO, mas lulutang ang kanyang talento sa departamento, kaya para sa mga nangunguwestiyon sa pagkakatalaga sa kanya ay sorry na lang sa kanilang lahat.

Siya ang napisil ng pangulo, nakapanumpa na siya, kaya ano pa ba ang kailangang palutanging paninira ng iba diyan?

Spell I na lang sila kay Mocha Uson!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending