Charice palamig muna sa US; maglalabas ng sama ng loob kay Ellen Degeneres | Bandera

Charice palamig muna sa US; maglalabas ng sama ng loob kay Ellen Degeneres

Cristy Fermin - May 11, 2017 - 12:10 AM

charice pempengco

ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagparating sa amin ng impormasyon na nagpaplanong umalis muna si Charice

Pempengco para magpalipas ng sama ng loob. Magbabakasyon daw muna ang international singer sa Amerika.

Hindi naman sinabi ng aming kausap na du’n na ipagpapatuloy ni Charice ang kanyang singing career, babalik din daw siya agad, kailangan lang muna niyang mapag-isa.

Na dapat lang naman. Sayang na sayang ang kanyang singing career, kailangang ipagpatuloy niya ang kanyang pinaghirapan, sayang ang oportunidad na hindi naman ibinibigay sa lahat ng mga nangangarap.

“Sandali lang siya du’n, magpapalipas lang siya ng depression, tapos, pagbalik niya, e, tututukan na niya ang career niya,” sabi ng aming source.

Parang hindi naman katanggap-tanggap para sa mga sumusuporta kay Charice Pempengco na nang dahil lang sa paghihiwalay nila ni Alyssa Quijano ay basta na lang niya tatalikuran ang larangang nagbigay sa kanya ng magandang kapalaran.

Nang dahil lang sa naunsiyaming pag-ibig, pababayaan na ni Charice ang kanyang career, mababaw para sa kanyang mga tagahanga ang ganu’ng dahilan. Tama lang na magpahinga muna siya, makipagkuwentuhan muna siya at maglabas ng saloobin sa kanyang Pareng Ellen DeGeneres, pagkatapos nu’n ay magpakaaktibo na uli siya sa pagkanta.

Sayang na sayang si Charice Pempengco, sa totoo lang, kung magpapatalo siya sa isang problemang may nakalaan namang solusyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending