Tito pinagalitan ng guro: Senador siya sa hearing at hindi stand-up comedian | Bandera

Tito pinagalitan ng guro: Senador siya sa hearing at hindi stand-up comedian

Ambet Nabus - May 09, 2017 - 12:20 AM

TITO SOTTO

TITO SOTTO

“WALA namang nagsasabing masama siyang tao noh!” Ito ang reaksyon ng isang kaibigan mamin mula sa Academe nang muling mapag-usapan ang kontrobersyal na “na-ano lang” statement ni Sen. Tito Sotto.

Ang punto ng aming kausap at ng iba pang mga kaibigan naming guro, may tamang oras sa pagbibiro lalo na kapag medyo mahalay o may kabastusan ang punchline.

Okay lang kung nasa inuman siya o nasa isang gag/comedy show na pang-SPG pero nasa hearing siya ng isang ahensya ng gobyerno, no!

And we really agree dahil nasa pagdinig siya ng Commission on Appointments bilang senador at hindi bilang stand-up comedian na karaniwang nang-ookray ng customer sa comedy bar.

Nakailang term na ba as Senator si Tito Sen? Bakit parang nakalimutan na niya kung ano ang pagkakaiba ng pagiging senador at komedyante?

Sa mga nagsanga-sangang subplots o sub-issues, paano naman madedepensahan ng mga nagmamahal na kaanak, pamangkin o supporters ng isang Tito Sotto ang noon pa ma’y hindi na namatay na isyu hinggil sa kanyang pagkatao?

Nakaka-ano lang kasi, noh! Ha-hahaha! Siguro naman ngayon, mag-iingat na si Tito Sen sa pagbuka ng kanyang bibig sa mga susunod na mga hearing na dadaluhan niya para hindi na maulit pa ang iskandalong kinasangkitan niya dahil sa kanyang malisyosong joke.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending