Sanya Lopez kay Rocco Nacino: Kung ano man po ang mangyari, open naman ako sa relationship!
BINULABOG at pinasaya ng ilang cast ng GMA telefantasya na Encantadia at Mulawin vs. Ravena ang namamasyal sa Enchanted Kingdom nu’ng Linggo.
Bahagi ito ng pasasalamat ng magtatapos na Encantadia at pagsalubong naman sa paparating na Mulawin vs. Ravena na bagong maghahari sa primetime simula sa Mayo 22.
Pinangunahan ng mga Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Mikee Quintos, Klea Pineda at Reyna Cassiopaea na si Solenn Heussaff ang pagpapasaya ng crowd.
Naghandog din ng awiting at nagpakiliti sa mga babae ang male cast na sina Rocco Nacino, Phytos Ramirez, Pancho Magno, Carlo Gonzales at Buboy Villar.
Sa MvR cast naman, naka-costume ang ilan sa cast gaya nina Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Kiko Estrada.
Nakaw-eksena ang seksing paggiling ni Solenn sa stage habang sigawan ang kalalakihan nang umapir naman si Sanya. Of course, kilig na kilig naman ang mga girls andf gays sa kaguwapuhan nina Derrick, Miguel, Phytos at Kiko.
Tinapos ng GMA artists ang palabas sa pagsabay ng bonggang fireworks sa Enchanted Kingdom.
q q q
Bibiyahe muna si Sanya Lopez sa Canada matapos ang Encantadia kasama ang nali-link sa kanyang si Rocco Nacino. Naiiyak na siya sa pagtatapos ng GMA telefantasya dahil unforgettable nga ang unang lead role niya sa TV.
Sa series, nadonselya ni Rocco ang mga labi niya. Nabuo tuloy ang sorpresang loveteam nila ng aktor na nagustuhan ng manonood. So masaya naman siyang kapareha si Rocco?
“Opo. Kasi si Rocco, marami siyang ideas. Mas meron na siyang experience, marami akong natututunan sa kaya,” lahad ni Sanya.
Puwede kaya siyang maging first boyfriend niya?
“Hindi ko po alam. Ha! Ha! Ha! Kung anuman po ang mangyari. Sa ngayon po kasi, mas focus ako sa Encantadia, sa career. Kung anuman ang mangyari, open naman po ako sa relationship,” rason niya.
So anong feeling niya’t magtatapos na ang Encantadia na biggest break niyang maituturing?
“Nakakalungkot na matatapos na ang Enca, ako personally. Kumbaga, bumabalik sa akin ‘yung before ako nag-start, ano ba ako? Naiiyak ako!
“Pag nagpa-flash back sa akin, napaka-blessed ko sa show na ito. Eh, sa production, lagi kong kasama sina Tita Winnie (Reyes, EP ng show),” saka nangilid ang luha ng dalaga.
“Nakaka-sad pero kung mawala man ang Encantadia, meron namang kasunod na magagandang shows and I’m praying na meron akong show na padating. Wala pa pong sinasabi,” dugtong pa ng Kapuso actress.
Si Rocco, may sinasabi sa kanya? “Tungkol saan? Ha! Ha! Ha! Wala naman po siyang sinasabi sa akin!”
Gusto ba niyang makapareha uli si Rocco sa next project niya?
“Opo! Magaling naman po si Rocco. Kapag may kailangan ako sa acting, nagku-coach siya sa akin. Malaki po ang tulong niya sa akin ‘yon kung siya man muli ang makatrabaho ko. Bakit naman hindi?” paliwanag ni Sanya.
Sa Mayo 19 ang huling pasabog ng Encantadia at sa Mayo 22 naman ang paglipad ng bagong hari ng himpapawid, ang Mulawin vs Ravena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.