Game 2 ngayon | Bandera

Game 2 ngayon

Angelito Oredo - May 06, 2017 - 12:15 AM

la salle, ateneo uaap

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
12 noon NU vs ADMU (men’s finals)
3 p.m. Awarding Ceremony
4 p.m. DLSU vs ADMU (women’s finals)
KUNG mananalo ay maiuuwi ng De La Salle Lady Spikers ang ika-10 nitong korona at makukumpleto naman Ateneo Blue Eagles ang misyon nitong tapusin ang season na walang bahid kabiguan ngayon sa Game 2 ng women’s at men’s finals ng UAAP Season LXXIX volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Kapwa galing sa gitgitang series opener ang dalawang koponan. Nakakuha ng magandang momentum ang Lady Spikers sa ikalawang set para biguin ang Lady Eagles, 21-25, 29-27, 25-22, 25-20, habang nalusutan ng Blue Eagles ang matinding hamon ng Bulldogs para sa dramatikong five-set 25-22, 21-25, 22-25, 25-18, 15-13 desisyon.
Unang sasalang ngayon ang Blue Eagles na asam ang ika-16 na sunod na panalo ganap na alas-12 ng tanghali kontra National University Bulldogs na hindi lamang magbibigay dito sa ikatlong sunod na korona kundi ang pambihirang season kung saan naipanalo nito ang lahat ng laro mula elims hanggang finals.
Sinandigan ng Ateneo sa Game 1 ang 4-time UAAP Most Valuable Player na si Marck Jesus Espejo upang itakas ang Blue Eagles sa harap ng kabiguan kontra Bulldogs.
“Only the minds of the players will make us the champions,” sabi ni Ateneo coach Oliver Almadro. “I always tell that NU is a great team, but the resilency and heart they (Blue Eagles) are showing, I can’t say anything less for my players.”
Kinolekta ng Blue Eagles ang kanilang ika-29 na diretsong panalo mula pa noong isang taon. Pakay din ng Ateneo na maitala ang ika-10 diretsong panalo sa head-to-head matchup nito kontra NU mula pa noong Season 77.
Makakasagupa naman ng nagdedepensang kampeong De La Salle Lady Spikers ang karibal na Ateneo Lady Eagles dakong alas-4 ng hapon.
Inaasahang sasandigan muli ng La Salle ang fifth-year veteran at team captain nito na si Kim Fajardo na nagtala ng 37 excellent sets dagdag ang pitong service ace para sa kanyang 10 puntos gayundin ang MVP ng regular season na si Ma. Joy Baron, Kim Keanna Dy, Desiree Cheng at Ernestine Grace Tiamzon. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending