SINIMULAN ngayong araw ng Social Security System ang pagbibilang tungo sa selebrasyon ng ika-60 anibersaryo nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Pensioners’ Day sa buong bansa.
Ito ay bilang pasasalamat sa tulong na ibinigay nila para sa pagpapatatag ng SSS lalo na noong sila ay nagtatrabaho pa.
Kinikilala ng SSS na pinangungunahan ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc ang mahalagang kontribusyon sa ahensya ng mga pensyonado na matiyagang nagbayad ng kanilang buwanang kontribusyon.
Ang pagdiriwang na inorganisa kasama ang Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FESCAP) at Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ay dinaluhan ng halos 3,500 pensyonado na nakatanggap ng libreng check-up at mga gamot.
May mga Medical Specialists na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa kalusugan.
Maliban sa libreng gamot at check-up, ang mga pensyonado ay sumali rin sa iba’t-ibang palaro at marami sa kanila ang nakapag-uwi ng raffle prizes.
Nakibahagi din sila sa isang salu-salo at ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng regalo.
Sa National Capital Region, ang Pensioner’s Day ay isinagawa sa SSS Main Office sa East Avenue kung saan halos 500 pensyonado ang dumalo.
Sa kabilang dako naman, ang Pensioners’ Day sa Luzon, Visayas at Mindanao ay ginawa sa mga piling lugar.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.