BUTATA ang bashers ng Teleserye King na si Coco Martin na nagsasabing bababa na ang rating ng number one primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.
May mga nangnenega kasi sa aksyon serye ni Coco, sinasabi nila na wala na raw manonood nito dahil pinahaba na nang husto at paulit-ulit na lang daw ang mga eksena.
May nagsabi pa na maling-mali ang desisyon ng ABS-CBN na paabutin pa ng 2018 ang kuwento ng pakikipaglaban ni Cardo Dalisay sa mga sindikatong kriminal.
Pero pinatunayan ng Dreamscape Entertainment na tama lang na pagbigyan nila ang mas nakararaming viewers na walang-sawang sumusubaybay sa Ang Probinsyano dahil patuloy ngang humahataw sa ratings game ang programa at marami pa ring commercials.
Nanguna pa rin ang serye ni Coco sa listahan ng mga pinakapinanood na programa nitong nakaraag Abril. Base sa datos ng Kantar Media, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa top 10 most watched programs last month.
Buong buwan pa ring namayagpag ang FPJ’s Ang Probinsyano matapos makapagtala ng average national TV rating na 37.7%. Pumangalawa ang TV Patrol with 29.1%. Kasama rin sa listahan ang The Voice Teens (35.5%), Your Face Sounds Familiar Kids (34.5%), at Wansapanataym (32.6%).
Pasok din sa Top 10 ang Maalaala Mo Kaya (31.8%), Rated K (20.5%), My Dear Heart (26.5%) at Home Sweetie Home (23.3%).
Patuloy na tinututukan ng manonood si Heart (Heart Ramos) sa paglaban sa kanyang sakit at sa pagtulong kay Dra. Margaret (Coney Reyes) na baguhin ang puso nito.
Samantala, sinubaybayan din ang pag-uumpisa ng kuwento ng pag-abot ng pangarap, pag-ibig, at pagkakaibigan sa Pusong Ligaw, matapos nitong makapagtala ng average national TV rating na 17.9%.
Tinutukan din ng sambayanan ang finale ng The Greatest Love, na nagpakita ng wagas na pagmamahal ng ina para sa anak at nagkamit ng 14.4%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.