Malaking dagok sa sambayanan | Bandera

Malaking dagok sa sambayanan

Ramon Tulfo - May 04, 2017 - 12:10 AM

PANGANGALAGAAN daw ni Vice President Leni Robredo ang kagustuhan ng karamihan na nanganganib daw na maibasura dahil sa protesta na ginawa ni Bongbong Marcos na kanyang natalo noong nakaraang halalan.

Nagsampa kasi ng election protest si Bongbong at bibilangin muli ang mga boto na nakuha niya at ng kay Robredo.

“Kahit na mahirap, kahit na dadaan tayo sa maraming pagsubok, hindi natin papayagan na matalo ang boses ng sambayanan,” ani Leni sa kanyang mga supporters sa labas ng Supreme Court kung saan isinampa ang election protest ni Marcos.

Gaya ng iba, gusto ko malinaw ang panalo ni Robredo kay Marcos.

Pero ano naman kaya kung ang resulta ng recount of votes ay nakalamang si Bongbong kay Leni?

Sa aking pagkakaalam batay sa mga nakuha kong mga balita, ang hindi alam ni Robredo na dinaya ng kanyang Liberal Party, ang kanyang partido, si Marcos sa bilangan.

Matatandaan na ginamit ng LP, na noon ay nasa kapangyarihan, ang resources ng gobiyerno noong nakaraang eleksiyon.

Ang bali-balita ay nagkaroon ng “dagdag-bawas” noong eleksiyon—dagdag para kay Mar Roxas, tumakbo sa pagka-Pangulo, at bawas para kay Digong Duterte; dagdag boto para kay Robredo at bawas naman kay Marcos.

Sa estimate ng maraming experts, ang nakuha sana ni Digong noong eleksiyon ay 21 milyon na boto pero binawasan at naging 16 milyon; pero nanalo pa rin siya.

Ganoon din daw ang ginawa kay Bongbong na hindi gaanong kalaki ang lamang kay Leni kaya’t nahabol ito.

Napakalaki raw ng iwan ni Digong sa kanyang mga kalaban kaya’t hindi madoktor ang kanyang panalo.

Kinunan na nga raw ng mga boto sina Grace Poe at Jojo Binay upang mapunta ang mga boto nila kay Mar Roxas, pero hindi pa rin mahabol ang mala-higanteng agwat ni Digong sa kanyang mga katunggali.

Natakot na raw ang Commission on Elections na baka magkaroon ng backlash kung papapanalunin si Mar, gaya ng maduguang rebolusyon.

Kaya’t nag-concentrate na lang daw ang Comelec na ipanalo si Robredo dahil maliit lang ang lamang niya kay Marcos.

Please don’t get me wrong. I endorsed Robredo as vice president over her rivals in the last election.

I voted for Robredo.

Pero di ko masisikmura na dayain si Marcos—kung may dayaan man—dahil gusto ko ng patas na labanan.

***

Malaking dagok para sa mga taong nagmamahal sa kalikasan ang hindi pagkumpirma kay Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ng Commission on Appointments (CA).

Dahil pangatlong beses na siyang di kinumpirma, mapipilitan si Pangulong Digong na palitan na si Lopez sa Department of Environment and Natural Resources.

Napakawalanghiya ng maraming miyembro ng CA.

Ibang istorya kung si Gina ay ibang tao na hindi nakikipaglaban para sa kalikasan, at ang mga miyembro ng CA ay walang personal na interest sa mining.

Ang pagsasara sa mga minahan na nanira ng kapaligiran ang naging dahilan kung bakit maraming mga mining companies, na kaibigan ng ilang miyembro ng CA, ang nagalit kay Gina.

Si Gina Lopez ang kauna-unahang hepe ng DENR na hindi na-confirm dahil ginawa niya ang kanyang trabaho sa pag-alaga ng environment.

Malaking kawalan si Gina hindi lang kay Pangulong Digong na nag-appoint sa kanya, kundi sa sambayanan dahil wala na tayong tagapagtanggol ng ating mga kagubatan at mga ilog, sapa at batis.

***

Di gaya ng karamihan ng Cabinet members na malalapit na kaibigan ni Digong, si Gina ay hindi kasama sa inner circle ni Mr. Duterte.

Pero pinili siya ni Digong na maging DENR secretary dahil nakita niya ang sinseridad ni Gina sa pag-aalaga ng kapaligiran o environment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyanga pala, ayaw ng mga malalapit na kamag-anak ni Gina na tanggapin niya ang alok ni Digong sa DENR, pero binalewala niya ang payo nila sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending