P2M halaga ng shabu nakumpiska sa Batangas port | Bandera

P2M halaga ng shabu nakumpiska sa Batangas port

- May 02, 2017 - 08:29 PM
batangas NAKUMPISKA ang tinatayang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon sa isang inabandonang kotse ng isang pinaghihinalaang pusher sa  Batangas Port, Batangas City kahapon ng umaga, ayon sa pulisya. Pag-aari ang kotse ng isang pusher na siyang target ng buy-bust sa BF Homes, Parañaque, ganap na alas-12:15 ng umaga. Sinabi ni Supt. Herbert Baylon, assistant chief of police for operations ng Parañaque police station, na nagsagawa ang mga operatiba mula sa Station Drug Enforcement Unit ng city police ng buy-bust laban sa isang lalaki na nakilala lamang bilang alyas “RJ”, isang residente ng Aguirre Ave., BF Homes. Nakatakas ang suspek sakay ng kanyang kotse papuntang  South Luzon Expressway matapos makatunog na nakikipagtransaksyon siya sa mga pulis. Natagpuan ng mga otoridad ang sasakyan ganap na alas-8:40 ng umaga sa parking ng Batangas Port kung saan naroon pa ang ilegal na droga. Hindi naman matagpuan ang suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending