SC: Maaari nang ituloy ang konstruksyon ng Torre de Manila | Bandera

SC: Maaari nang ituloy ang konstruksyon ng Torre de Manila

- April 25, 2017 - 04:04 PM

Torre de Manila

Torre de Manila

NAGBIGAY na ng go-signal ang Korte Suprema para ituloy ang konstruksyon ng kontrobersiyal na Torre de Manila condominium, na nauna nang tinaguriang “national photo bomber” dahil natatakpan nito ang Rizal Monument sa Luneta.

Sa botong 9-6, ibinasura ng Kataastaasang Hukuman ang petisyon ng Order of the Knights of Rizal noong Setembre 2014 na humihiling na ipatigil ang pagtatayo ng 49 na palapag na condominium ng DMCI Project Developer Inc.
Kabilang sa mga bumoto para ituloy ang konstruksyon ng Torre de Manila ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Justices Antonio Carpio, Marvic Leonen, Presbitero Velasco Jr., Bienvenido Reyes, Noel Tijam, Estela Perlas-Bernabe, Mariano Del Castillo and Lucas Bersamin. Si Carpio ang nagsulat ng desisyon ng mayorya.
Kabilang naman sa mga bumoto laban sa pagpapatayo ng gusali ay sinaAssociate Justices Francis Jardeleza, Samuel Martires, Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Jose Mendoza at Alfredo Caguioa.
Nauna nang naglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) noong Hunyo 16, 2015, na nagpapatigil sa pagpapatayo ng high-rise na istraktura sa kahabaan ng Taft Avenue.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending