Mega iyak pa rin nang iyak sa pagpanaw ni Willy Cruz | Bandera

Mega iyak pa rin nang iyak sa pagpanaw ni Willy Cruz

Jun Nardo - April 23, 2017 - 12:10 AM

sharon cuneta at willy cruz

NAGBIGAY-PUGAY ang iconic singers nating sina Celeste Legaspi at Jose Mari Chan sa 95-year-old mother ng award winning composer na si Willy Cruz sa huling lamay nito sa Loyola Makati last Friday.

Kahapon ang libing ng magaling na kompositor at isa si Sharon Cuneta sa talagang apektado sa pagpanaw ng music icon.

Pero sabi nga, nawala man siya sa mundo, mananatili pa rin ang kanyang mga awitin na pinasikat ng ilan nating OPM singers.

Nakunan ang flowers na ibinigay ni Shawie at asawang si Sen. Kiko Pangilinan sa burol ng award-winning composer.

Sa nakaraang post ng Megastar sa Facebook ibinuhos nito ang kanyang kalungkutan at inilagay pa ang ilang lyrics ng “Bituing Walang Ningning” at “Sana’y Wala Nang Wakas” na isinulat ni Willy Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending