Frank Sinatra ng Pinas iaalay ang concert sa namatay na kapatid
MAAARING bibihira lang ang nakakakilala kay Arthur Manuntag, pero para sa mga kabilang sa AB audience ay imposibleng wala sa kanilang listahan ng mga paborito nilang mang-aawit ang nakakabilib na tinig ng binansagang Frank Sinatra of the Philippines.
Even before Cristy Ferminute’s airplay of one of Arthur’s standard songs last year ay napanood na namin siya sa YouTube. Before a stunned American audience, inawit ni Arthur ang piyesang “How Do You Keep the Music Playing.”
Mula noon ay tinandaan na namin siya’t ibinilang alongside our favorite local male singers na hindi yata aabot sa 10 daliri pag binilang na.
Nagkakasya lang kami sa pakikinig sa kanya sa simula ng “CFM”, pero naroon ang excitement to meet him in flesh and blood and be a living witness to his singing virtuosity.
Sa wakas ay naisingit din ni Arthur sa kanyang iskedyul ang pagbisita sa programa, kung hindi kasi siya may mga natanguang engagements dito ay nasa ibang bansa siya para magtanghal. Sadly, mas lumikha pa siya ng pangalan sa labas ng Pilipinas.
Clad in black coat and maong jeans, mabulto ang may katabaang pangangatawan ni Arthur. Ang obvious na malaki rin niyang mga baga ang pinagkukunan niya ng air supply (not the popular group) para ma-sustain ang isang buwis-buhay na awitin nang walang hingahan.
Our off-air casual talk was one of discovery, if not serendipity tungkol sa maraming tao, lugar at pangyayari common to us. Pero pagpapasabik lang ‘yon sa kung ano talaga ang kanyang pakay sa radio visit niya. Eh, ano pa ba kundi ang sampolan kami ng kanyang mga pamatay na piyesa!
Hindi “prepared” si Arthur ng hapong ‘yon, baun-baon lang naman niya ang minus one ng mga kantang pinasikat ni Sinatra, Tony Benett at maging ni Willie Revillame. At nang makalimutang dalhin ang isang minus one, he gamely sang a song a capella.
Arthur accorded the “CFM” listeners/viewers the chance para tangkilikin ang kanyang latest CD, ang “Awit ng mga Puso” na may 16 tracks, kabilang ang “Wala Kang Katulad” na pinatutugtog at the start of the program.
Makahulugan nga ang itinatawid ni Arthur sa nasabing album, “Nothing gives me greater joy than performing for an audience.”
Isa pang mahalagang pakay ni Arthur sa pagdalaw niyang ‘yon sa “CFM” ay paanyaya sa kanyang natatanging pagtatanghal. Mamayang gabi na ‘yan sa Hard Rock Café sa Glorietta, Makati City.
May pamagat na “A Little Night of Music for Shirley”, isang fund-raising show ‘yon para sa kanyang bunsong kapatid na may thyroid cancer.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, namaalam na si Shirley nitong mga nakaraang araw, pero pagtitiyak ni Arthur ay tuloy ang pagtatanghal (as the saying goes, the show must go on).
Hindi man kapiling ni Arthur ang pinaghahandugan niya ng kanyang little night of music, pero tiyak na may ngiting maririnig ni Shirley ang himig saan man siya naroon ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.