Jerico biglang nabago ang buhay nang makarating sa San Juanico Bridge
UNTI-UNTI nang nakaka-recover si Jericho Rosales sa pagkamatay ng kanyang tatay last month dahil sa cancer.
Sa grand presscon kahapon ng bago niyang pelikula, ang “Luck At First Sight” kung saan first time niyang makakatambal si Bela Padilla, naikuwento ng Asian Drama King kung paano napawi kahit paano ang pangungulila niya sa amang si Santiago Rosales.
Ayon kay Echo, kakaibang experience ang ginawa niya kasama ang ilan sa kanyang mga katropa nang magtungo sila sa San Juanico Bridge kung saan nagpalitrato ang kanyang tatay noong magtungo ito roon nang nakamotorsiklo.
Ayon kay Echo, maraming lugar na napuntahan ang ama noong nagbebenta pa ito ng insurance policies kung saan marami itong nakilalang mga kaibigan, tulad ng mga teacher, politiko at mga barangay captain.
“Kasi talagang gusto namin ni papa na magmotor tapos nakita ko yung picture niya sa bridge then I told myself, ‘Gusto ko ang litrato na ’to.’ Nandu’n siya sa bridge kaya lang hindi ko alam kung nasaan yun. Then I posted it on Instagram and everybody said sa San Juanico Bridge raw yun.
“I want to replicate that photo, so yun, pumunta kami sa Tacloban. I went there without knowing what to expect,” kuwento ni Echo kung saan sinamahan nga siya ng kanyang motorcycle group kabilang na sina Drew Arellano at Ryan Agoncillo.
Napaka-meaningful ng Tacloban trip na yun para kay Echo kaya ibang-iba raw ang feeling niya nang bumalik na siya sa Manila, “I believe, I came back a better person. Understanding what my father enjoyed. Parang I came back more curious and knowing what I need to do in life. I’m not scared anymore about the things that I used to be scared of, ganu’n ang feeling.
“Nakaka-inspire talaga yung trip na yun. It’s a great story actually that’s why we really documented it. Yung video nu’n will come out very soon hopefully this month. We’re still editing the material,” sabi ni Echo sa isa pang panayam.
“Talagang medyo naiyak pa ako nu’ng marating namin yung bridge. You know what, we wanted that trip together pero hindi namin nagawa. But believe me it was so memorable and so emotional,” sey pa ng award-winning actor.
Samantala, super excited na si Echo sa nalalapit na showing ng “Luck At First Sight”, ang unang pagtatambal nila ni Bela Padilla sa direksyon ni Dan Villegas under N2 Productions and Viva Films.
Sa presscon kahapon kitang-kita ang magandang chemistry ng dalawa at talagang komportable na sila sa isa’t isa kaya ang sabi nga ni direk Dan, mas matindi pa raw ang mapapanood natin sa pelikula dahil sa mga nakakaloka at nakakakilig nilang mga eksena.
“Working with Bela was great. Baliw din kasi ang taong ito, e. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. She’s very open walang showbiz na vibe. Pag nasa set kami, nag-uusap kami ng concept and ways to promote or make the film better. It’s nice that she’s open to exploring things, wala siyang masyadong inhibitions. It’s been fun,” chika pa ni Echo.
Si Bela ang nakaisip ng concept ng “Luck At First Sight” at sinabi niyang si Echo talaga ang first choice para sa role ni Joma Labayen na isang sugarol na matindi ang paniniwala sa swerte. Hanggang sa makilala niya si Diane dela Cruz na magsisilbing “lucky charm” niya sa buhay.
“Ako gusto kong makapanood ng konting feeling ng magic, parang maniniwala ka uli sa isang bagay na hindi mo nakikita. Sa totoong buhay, naniniwala ako sa swerte, ibang forms lang siguro,” sey naman ni Bela.
Kaabang-abang din ang mga intimate scenes nina Echo at Bela, lalo na ang kanilang kissing scene sa pelikula. Pero sey nga ni Bela, hindi lang ang halikan nila ni Echo ang highlight ng movie kundi marami pang iba na siguradong tatatak sa bawat puso ng mga manonood.
Kasama rin sa pelikula sina Kim Molina, Cholo Barretto, Issa Pressman at marami pang iba, at mapapanood na sa May 3 nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.