Chinese Embassy tutulong sa PSC-MILF sports program | Bandera

Chinese Embassy tutulong sa PSC-MILF sports program

Angelito Oredo - April 18, 2017 - 12:10 AM

SUSUPORTAHAN ng embahada ng China ang pagnanais ng Philippine Sports Commission (PSC) na maabot nito ang mga pinakamahirap na proyekto sa paglingap sa mga dating rebeldeng Muslim upang maibalik sa maayos na buhay at makasama sa pagsasagawa ng iba’t-ibang programa para sa grassroots sports.

Sinabi mismo ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang suporta ng embahada matapos makumpleto ang 11 punto ng pagkakaisa at pakikipag-unawaan sa mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Biyernes sa pagbisita sa pangunahing kampo nito sa Pigkawayan, North Cotabato.

“Special attention is to the MILF youth, so we are trying to finalize our PSC-MILF sports program,” sabi ni Ramirez.

Napagkasunduan sa pakikipagpulong ni Ramirez kay MILF vice-chairman Ghazali Jaafar sa Camp Darapanan sa Cotabato City ang pag-iimplementa ng sports program hindi lamang para sa mga kasapi ng MILF kundi pati na rin sa lahat ng kabataan partikular sa mga kabataang Muslim.

Ang 11-point programa ay kinabibilangan ng: Sports program para sa MILF youth kung saan makakasali ito sa Batang Pinoy at PNG; pagkakaloob ng sports science at nutrition; paghatid ng sports para sa mga anak at miyembro ng MILF; Mindanao sports for peace program para sa mga anak ng MILF na hatid ng mga coaches at sports scientist katuwang ang Chinese embassy; pag-uusap tungkol sa detalye ng nasabing programa at paghingi ng permiso sa central committee; pagsasagawa ng training na naaayon sa kanilang pamumuhay at pagpapalaya sa mga kabataang Muslim mula sa kahirapan sa pamamagitan ng sports; pantay-pantay na karapatan tulad ng ibang Pilipino sa sports dahil sila rin ay sportsman tulad ng iba; pagsali sa iba pang sports event upang makita at patunayan na kaya nilang makahubog ng sports superstar; pagtatayo ng sports office na magpapalakad at mangangalaga sa  programa; maging priority sports ang mga combat sports tulad ng pencak silat, kuntao silat, archery at athletics at pagkakaloob ni MILF vice-chairman Jaafar ng 10 ektarya para sa  sports facilities na gagamitin bilang regional training center para sa kabataang Muslim.

“The discussions were taken into consideration by MILF vice chairman Ghazali Jaafar,” ayon kay Ramirez kung saan ipinaliwanag din nito sa mga lider ng MILF ang plano nito na dapat diretso ang programa.

Nasa plano rin ni Ramirez na bisitahin ang iba pang kampo ng MILF upang maisali sa programa.

Samantala, hindi na magiging taunang torneo ang pagsasagawa ng Philippine National Games at Batang Pinoy.

Ito ay matapos na magdesisyon ang mga sports officials na gawin ang regional eliminations ng multi-sport na torneo na isa kada dalawang taon.

Ang pagpalawak sa kompetisyon sa loob ng dalawang taon ay makakatulong din sa mga local government units na maplano ng husto ang kanilang mga nais suportahang sports at grassroots programs pati na rin sa paglahok nito sa mga pambansang kompetisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending